• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 drug suspects, laglag sa higit P.4M droga sa Navotas

UMABOT sa mahigit P.4 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa apat drug suspects, kabilang ang dalawang high value matapos malambat ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City.

 

 

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong mga suspek na sina alyas “Jayson”, 43, (listed/pusher) at alyas “Matey”, 28, (pusher/listed) na kapwa residente ng lungsod.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Col. Cortes na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y illegal drug activities ng mga suspek kaya isinailalim nila ang mga ito sa validation.

 

 

Nang positibo ang ulat, ikinasa ng SDEU sa pangunguna ni P/Capt. Luis Rufo Jr ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek dakong alas-11:33 ng gabi sa Goldrock St., Brgy., San Roque.

 

 

Ayon kay Capt. Rufo, nakuha nila sa mga suspek ang humigi’t kumulang 56.17 grams ng hinihinalang shabu na na nagkakahalaga ng P381,956.00 at buy bust money.

 

 

Nauna rito, natimbog naman ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation din sa M. Naval St., Brgy., Tangos North sina alyas “Bona”, 35, (pusher/listed) at alyas “Hjanter”, 23, kapwa residente ng lungsod.

 

 

Nakumpiska sa kanila ang nasa 10.37 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P70, 516 at buy bust money.

 

 

Ani PSSg Flosine-Mar Nebre, mahaharap ang mga suspek ng kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

 

 

Pinuri naman ni NPD Director Ligan si Col. Cortes at ang kanyang mga tauhan sa kanilang matagumpay na operation kontra illegal na droga habang inaalam pa ng SDEU kung sino ang source ng droga ng mga suspek. (Richard Mesa)

Other News
  • Gobyerno ng Pinas, nagpaabot ng tulong sa mga OFWs sa HongKong na tinamaan ng Covid-19

    NAGPAABOT ng tulong ang gobyerno ng Pilipinas sa pamamagitan ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Hong Kong, sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na nag-positibo sa COVID-19.     Sinabi ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang POLO ang siyang agarang nagbigay sa mga OFWs ng pagkain, hygiene kits at […]

  • Hintayin ang desisyon ng gobyerno kung holiday o hindi ang 3-day vaccination drive

    NAKIUSAP ang Malakanyang sa publiko na hintayin ang magiging desisyon ng gobyerno kung idedeklarang holiday o hindi ang 3-day COVID-19 vaccination drive bago matapos ang buwan ng Nobyembre.   Target kasi ng pamahalaan na bakunahan ang 15 milyong  Filipino sa panahon ng Nobyembre 29 hanggang Dec. 1 o 3-day COVID-19 vaccination campaign.   At sa […]

  • Guidelines, inilabas ng QC gov’t para sa mga magtatayo ng community pantry

    Kasunod na rin ng pagkamatay ng isang senior citizen sa community pantry na inorganisa ng aktres na si Angel Locsin, naglabas kaagad ang Quezon City government ng kanilang guidelines para sa pagtatayo ng mga community pantries sa lungsod.   Ito ay para matiyak na nasusunod ang mga health protocols at mapanatili ang peace and order […]