4 drug suspects nalambat sa Malabon, Navotas buy bust
- Published on April 9, 2024
- by @peoplesbalita
BAGSAK sa kalaboso ang apat na drug suspects, kabilang ang dalawang ginang matapos mabingwit ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Navotas Cities.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan na dakong alas-3:00 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy bust operation sa Gozon Compound, Brgy. Tonsuya kontra kay alyas “Merlin”, 58 (pusher/listed) ng Brgy. Longos.
Nang tanggapin ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang dinakip ng mga operatiba, kasama si alyas “Kang Kang”, 53, na bumili din umano ng droga kay ‘Merlin’.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 5.0 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P34,000 at buy bust money.
Sa Navotas, nalambat naman ng mga operatiba ng Navotas Police SDEU team sa buy bust operation sa Tanigue St., Brgy., NBBS Dagat-Dagtan dakong alas-10:18 ng gabi sina alyas “Vecvec”, 59, electrician ng Brgy. NBBS at alyas “Aron”, 20 ng Brgy. NBBN.
Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, nakuha sa mga suspek ang aabot 5.5 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P37,400.00 at buy bust money.
Pinuri naman Gen. Gapas ang Malabon at Navotas police sa kanilang matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na mahahrap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Travel restriction sa Chinese travelers, ipatupad na
NANANAWAGAN ang isang health expert na magpatupad na ng mas mahigpit na travel restriction ang gobyerno sa mga biyahero na mula sa China para makatiyak na hindi kakalat sa Pilipinas ang panibagong wave ng impeksyon ng COVID-19. “We need to ask the Chinese visitors to submit RT-PCR test 48 hours prior to the […]
-
Malabon LGU, nakipagtulungan sa Cocolife para sa health insurance ng mga empleyado
SA layunin nitong mapabuti ang mga programa sa pangangalaga sa kalusugan, nakipagtulungan si Mayor Jeannie Sandoval at ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa Cocolife Insurance para magdagdag ng health insurance at mga benepisyo sa mga empleyado nito. “Alam nating mahalaga na mapangalagaan natin ang ating kalusugan, lalo na ngayong pabago-bago ang panahon at […]
-
Business tycoon Danding Cojuangco pumanaw na, 85
Pumanaw na sa edad na 85-anyos ang kilalang negosyante at political kingmaker na si Eduardo “Danding” Murphy Cojuangco, Jr. Batay sa kumpirmasyon ng malalapit sa kanya, binawian ito ng buhay kagabi sa St. Luke’s Medical Center sa Global City, Taguig. May lumabas na impormasyon na matagal na rin itong may karamdaman sa lung […]