4 drug suspects nalambat sa Malabon, Navotas buy bust
- Published on June 24, 2024
- by @peoplesbalita
MAHIGIT P.1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na hinihinalang drug personalities matapos maaresto ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operarion sa Malabon at Navotas Cities.
Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na sina alyas Dekdek, 41, (user/listed) ng Malabon at alyas Rex, 42 ng Caloocan City.
Sa ulat ng Malabon Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kay Col. Baybayan, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities ni ‘Rex’ kaya ikinasa nila ang buy bust operation sa suspek.
Nang tanggapin ni ‘Rex’ ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong alas-4:20 ng madaling araw sa M.H Del Pilar St., Brgy. Tugatog, kasama ang kanyang parokyano na si ‘Dekdek’.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 15.5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P105,400.00 at buy bust money.
Sa Navotas, nabingwit naman ng mga operatiba ng Navotas Police SDEU sa pangunguna ni P/Capt. Genere Sanchez sa buy bust operation sa Luna St., Brgy. Bangkulasi, dakong alas-10:30 ng gabi sina alyas ‘Puroy’, 51 at alyas ‘Angel’, 32 matapos bintahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Sinabi ni Capt. Sanchez kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes na nasamsam nila sa mga suspek ang may 4.97 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P33,796.00 at buy bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Mga proyekto, programa ng gobyerno ‘wag itago sa publiko –Bong Go
UPANG malabanan ang lahat ng uri ng korapsyon, iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go na kailangang ilantad sa mata ng publiko ang bawat ginagawa ng mga ahensiya ng gobyerno, partikular na ang proseso sa mga programa at proyekto. Ipinaalala ni Go sa government agencies na tiyakin ang estriktong pagsunod sa transparency, accountability at good […]
-
Boxer Carlo Paalam pasok na rin sa round-of-16 matapos idispatsa ang pambato ng Ireland sa men’s flyweight
Lumakas pa ang pag-asa ng Pilipinas na podium finish sa nagpapatuloy na Tokyo Olympics matapos pumasok na rin sa round-of-16 ang Pinoy boxer na si Carlo Paalam sa nagpapatuloy na Tokyo Olympics. Ito ay makaraang talunin niya nitong umaga ng Lunes sa kanyang debut game sa flyweight division ang pambato ng Ireland na […]
-
Inamin ni Caloy Yulo ang pagkabigo, ngunit nakakita ng mga positibo pagkatapos ng dalawang medalya
Magkahalong damdamin si CARLOS Yulo sa kanyang paghakot ng dalawang medalya sa 51st FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Liverpool, na natapos noong Linggo. Sinabi ni Yulo na masaya siyang umuwi na may dalang pilak sa vault at tanso sa parallel bars, ngunit hindi rin nasisiyahan sa kanyang pangkalahatang pagganap sa kompetisyon kung saan […]