• October 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga proyekto, programa ng gobyerno ‘wag itago sa publiko –Bong Go

UPANG malabanan ang lahat ng uri ng korapsyon, iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go na kailangang ilantad sa mata ng publiko ang bawat ginagawa ng mga ahensiya ng gobyerno, partikular na ang proseso sa mga programa at proyekto.

 

Ipinaalala ni Go sa government agencies na tiyakin ang estriktong pagsunod sa transparency, accountability at good governance policies sa procurement process.

 

Iginiit niya na dapat na nakalantad ang lahat ng ahensiya ng gobyerno sa impormasyon ng procurement, pangalan at lugar ng bidders, resulta ng bidding at iba pang may kinalaman dito, bukod sa karaniwang postings sa Philippine Government Electronic Procurement System (PhilGEPS) at agency websites.

 

“Dapat alam ng taumbayan kung saan napupunta ang kanilang pera. Bahagi din ito ng zero-tolerance policy natin kontra katiwalian sa gobyerno,” ang sabi ni Go.

 

“Sa bawat pisong hindi nasasayang sa korapsyon ay karagdagang pisong magagamit natin sa iba’t ibang proyekto at serbisyong makadagdag ginhawa para sa ating mga mamamayan,” giit niya.

 

Ayon sa senador, sa pamamagitan ng transparency ay mababawasan, kung hindi man malalansag ang korapsyon sa pamahalaan lalo sa procurement processes, partikular ngayong pandemya.

 

“Pagbutihin pa ang procurement process ng gobyerno upang mas madaling matugunan ang mga pangangailangan sa mga kagamitan at serbisyo, lalo na sa oras ng pandemya o kalamidad, sa paraang maayos at malinis nagagamit ang pondo ng taumbayan,” ani Go.

 

Hiniling niya sa publiko na tulungan ang Duterte administration na masupil ang katiwalian sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagsusumbong at pagbubulgar sa mga ito.

 

“Hindi naman kaya ng gobyernong mag-isa ang problema sa corruption. Kung walang nagsusumbong, mahihirapan din ang pamahalaan na tugisin ang mga corrupt sa gobyerno,” aniya.

 

Kinakailangan ani Go ng whole-of-nation approach sa paglaban sa katiwalian para matulungan ang mga awtoridad sa pagsasagawa ng fact-finding inquiries, lifestyle checks at iba pang proseso ng pagsisiyasat sa mga korap sa gobyerno.

 

“Nandiyan po ang PACC at bukas rin po ang opisina ko para tumanggap ng mga sumbong ninyo. Kung may nakikita kayong corruption sa gobyerno, huwag kayong matakot. Isumbong ninyo agad ang mga kurakot na opisyal na kilala ninyo nang matanggal sila sa puwesto at mapanagot sa kanilang kalokohan,” ayon sa senador.

 

Inamin ni Go na dismayado at pagod na si Pangulong Duterte dahil sa korapsyon sa gobyerno na parang pandemya na sumisira sa ating normal na pamumuhay.

 

“Kaya nga sabi ko dapat putilin ang daliri ng mga corrupt para hindi na makagalaw pa, hindi na makasira pa sa serbisyo ng gobyerno o makahawa pa sa mga ibang kawani ng gobyerno na nais lang magsilbi sa kapwa Filipino,” sabi ng senador. (Ara Romero)

Other News
  • Senate probe sa ‘pirma sa people’s initiative’ gumulong na

    SINIMULAN na Martes ng hapon sa Senado ang pagdinig sa kontrobersyal na signature drive para sa people’s initiative na naglalayong amyendahan ang 1987 Constitution.     Ang imbestigasyon ay isinagawa ng Senate committee on electoral reforms and people’s participation, na pinamumunuan ni Sen. Imee Marcos.     Ipina-subpoena si Atty. Anthony Abad na sinasabing nasa […]

  • Ads May 11, 2024

  • Milyon-milyon na ang views ng ‘Ang Lalaki sa Likod ng Profile’: Kinakikiligang tambalan nina WILBERT at YUKII, patuloy na tinatangkilik

    PITONG linggo na ang nakakaraan mula noong lumabas ang unang episode ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile mula sa Puregold Channel, at mula noon, nakakuha na ng milyon-milyong views ang serye–sa mga teaser at episode nito.      Lumawak na rin ang mga tagapagtangkilik ng kapana-panabik na tambalan nina Bryce (Wilbert Ross) at Angge (Yukii Takahashi).   Malinaw na malinaw […]