• November 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 huli sa aktong sumisinghot ng droga sa Valenzuela

BAGSAK sa selda ang apat na katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot ng shabu sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.

 

 

Sa ulat ni PMSg Ana Liza Antonio kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., nakatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt Joselito Suniega at inireport sa kanila ang hinggil sa nagagnap na illegal drug activities sa S. Feliciano St., Brgy. Ugong.

 

 

Kaagad namang pinuntahan ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PSSg Alvin Olpindo ang nasabing lugar kung saan naaktuhan nila sina alyas “Rommel”, 53, ng Brgy, Mapulang Lupa at alyas “Reymond”, 34, ng Caloocan City na sumisinghot ng shabu dakong alas-11:25 ng umaga.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at ilang drug paraphernalias.

 

 

Nauna rito, alas-5:30 ng umaga nang maaktuhan naman ng mga tauhan ng Police Sub-Station 2 sa pangunguna ni P/Capt. Selwyn Villanueva na sumisinghot din ng shabu sa isang abandonadong bahay sa Santiago St., Santiago Kanan, Fortune 1, Brgy. Gen T De Leon sina alyas “Jun”, 41 at alyas “Arnel”, 37.

 

 

Ani PMSg Carlito Nerit Jr., nakuha sa mga suspek ang dalawang plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu at ilang drug paraphernalias habang ang isang improvised gun (pengun) na may isang bala ng cal. 38 ay nasamsam kay ‘Jun’.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang karagdagan kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang kakaharapin ni ‘Jun”. (Richard Mesa)

Other News
  • Vietnam sa Oktubre pa magdedesisyon kung tuloy ang paghawak nila ng SEA Games

    Mayroong hanggang sa susunod na buwan ang Vietnam para pagdesisyunan kung matutuloy ang pagsasagawa ng 31st Southeast Asian Games.     Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) president Pres. Abraham “Bambol” Tolentino na binigyan ng SEA Games Federation ang Vietnam para pagdesisyunan kung kanila bang itutuloy o kakanselahin ang nasabing torneo.     Ito rin […]

  • Alegasyon vs Sen. De Lima, binawi ni Kerwin Espinosa

    BINAWI ng umaming drug lord na si Kerwin Espinosa ang lahat ng alegasyon niya laban kay Senador Leila de Lima sa isinumite niyang ‘counter-affidavit’ sa Department of Justice (DOJ) nitong Huwebes.     Isinumite na ang counter-affidavit ni Espinosa sa DOJ kahapon, ayon sa abogadong si Ramund Palad. Sinabi ni Palad na saksi siya nang […]

  • Mamamayan, pinag-iingat ng CBCP sa tag-ulan

    MULING hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care ang publiko na panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran ngayong tag-ulan.     Ayon kay CBCP-ECHC executive secretary, Camillian Fr. Rodolfo Vicente “Dan” Cancino, na ngayong tag-ulan ay inaasahan na rin ang unti-unting pagpasok ng La Niña Phenomenon kung saan higit na mararanasan […]