• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 na ang patay, 1 sugatan sa pagbagsak ng Huey chopper ng PAF sa Cauayan City

CAUAYAN CITY – Patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga otoridad para malaman ang tunay na dahilan ng pagbagsak ng isang helikopter ng Philippine Air Force (PAF) kagabi.

 

Apat na ang patay, isa ang malubhang nasugatan sa pagbagsak ng Huey helicopter habang palipad kagabi upang magsagawa ng night vision proficiency training.

 

Unang lumabas sa imbestigasyon ng Cauayan City Police Station na dakong alas-7:10 kagabi nang bumagsak at sumabog ang chopper habang palipad mula sa Air Station ng Tactical Operations Group (TOG 2), Philippine Air Force na nakabase sa San Fermin, Cauayan City.

 

Nagsagawa hanggang madaling araw ng crime scene processing ang mga miyembro ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Cauayan City Crime Laboratory matapos na marekober ang bangkay ng apat na sakay ng chopper.

 

Nasa punerarya pa ang bangkay ng mga namatay na dalawang piloto, isang crew at isang backride habang ginagamot sa isang pribadong ospital ang isa pang crew na malubhang nasugatan.

 

Hindi pa inilabas ni Col. Augusto Padua, commander ng TOG-2 Philippine Air Force ang pangalan ng mga sakay ng helicoper dahil kailangan munang ipabatid sa kanilang pamilya ang nangyari sa kanila.

 

Inaasahang darating sa Cauayan City ang mga kinatawan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para imbestigahan ang pagbagsak ng helicopter. (Ara Romero)

Other News
  • Mas maraming taong makalabas ng bahay, pinagayan na ng gabinete –Palasyo

    KINUMPIRMA ng Malacañang na mas maraming tao na ang pinapayagan ng gabinete na makalabas mula sa kanilang mga bahay bilang bahagi ng pagbuhay sa ekonomiya ng bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.   Sinabi ni Presidential Spokes- man Harry Roque, inaprubahan sa full-Cabinet meeting kagabi ang rekomendasyon ng Department of Trade and Industry (DTI) para […]

  • Pagbalik sa mandatory face mask policy, kasunod ng pagtaas ng Covid cases, ipinauubaya na sa IATF,DOH – PBBM

    WALA pang nakikitang pangangailangan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ibalik ang mandatory na pagsusuot ng face mask, sa kabila ng pagtaas muli ng Covid-19 cases sa bansa.     Sa isang panayam sinabi ng Chief Executive na kailangan pag-aralan nito muli.     Ayon sa Pangulo dapat maging masigasig muli sa paghihikayat na magpa […]

  • 4 patay, 5 sugatan sa salpukan ng bus vs van

    APAT ang patay habang lima ang sugatan sa salpukan ng isang van-for-hire at ng isang bus sa Barangay Estaca, sa bayan na ito kahapon (Biyernes) ng madaling araw.   Ayon sa imbestigasyon ng Compostela Police Station, galing Daan bantayan ang van at papunta na sanang Cebu City ng mabangga nito ang bus na papuntang Northern […]