4 patay, 45 sugatan sa Marawi bombing
- Published on December 5, 2023
- by @peoplesbalita
APAT ang kumpirmadong patay habang 45 ang sugatan sa pagpapasabog sa Dimaporo Gymnasium Mindanao State University, Marawi City Linggo ng umaga.
Sa inisyal na report ni PNP-Police Regional Office-Bangsamoro Autonomus Region (PRO BAR Director PBGen. Allan Cruz, tatlo ang dead-on-the-spot habang isa ang namatay sa Amai Pakpak Medical Center. Nasa Code Blue ang nasabing ospital.
Ayon kay Nobleza, nangyari ang pagsabog alas-7:30 ng umaga habang nagmimisa na dinaluhan ng mga estudyante at guro.
Sinabi ni Nobleza na tinitignan din nila ang anggulo ng paghihiganti matapos na mapatay sa operasyon ang nasa 11 miyembro ng Dawlah Islamiyah (DI) kabilang ang lider nito noong Disyembre 1 sa Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao del Sur.
Naka-full alert status ang PNP sa lahat ng probinsiya na sakop ng PRO BAR.
Napag-alaman naman kay Police Maj. Gen. Emmanuel Peralta, chief of PNP directorial staff, improvised explosive device (IED) ang ginamit sa pagpapasabog.
Nagsasagawa na ng post blast investigation ang explosives and ordnance (EO) units ng PNP at AFP mula sa mga nakuhang fragments ng 60-millimeter mortar ng IED. Inaalam na rin nila ang posibleng mga suspek sa insidente.
Samantala, sinabi naman ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na malakas ang ebidensiya na ang pagsabog ay gawa ng “foreign element”.
Tumanggi muna itong magbigay ng impormasyon sa posibleng nasa likod nito upang maiwasan na ma-preempt ang imbestigasyon ng PNP at AFP.
Ani Teodoro, kailangan na sigurado ang mga awtoridad sa pagtukoy sa mga salarin upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima sa insidente.
Kinondena naman ni Lanao del Sur Governor Mamintal “Bombit” Alonto Adiong Jr. ang insidente at tiniyak na pananagutin ang nasa likod ng pagsabog. Aniya, isa na itong uri ng terorismo.
Suspendido muna ang klase sa paaralan habang gumugulong ang imbestigasyon. Nagpakalat na rin ng dagdag security personnel para bantayan ang MSU. (Daris Jose)
-
WATCH THE NEW INTERNATIONAL TRAILER OF “GHOSTBUSTERS: AFTERLIFE”/THE TREASURE HUNT IS ON IN THE FIRST TRAILER OF “UNCHARTED”
UNCOVER the past. Protect the future. Watch the new international trailer of Columbia Pictures’ Ghostbusters: Afterlife, exclusively in Philippine cinemas soon. YouTube: https://youtu.be/vstFiU4r-Cc And in case you missed it, watch what went down at the recent New York Comic Con during the Ghostbusters: Afterlife panel. Check out the sizzle reel and photos below. […]
-
CONVERSATION SA PAGTAKBO NI YORME ISKO, FAKE NEWS
ITINANGGI ng Manila Public Information Office (Manila-PIO) ang kumakalat na di-umano’y private conversation kaugnay sa pagtakbo umano sa Presidential race ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso. Ayon kay Julius Leonen, Manila-PIO chief na ang palitan diumano nila ng mensahe sa isang reporter ay hindi nag-e-exist. Sa nasabing conversation, nabanggit ang pagsabak ni […]
-
‘Di talaga bet ang beauty pageant kahit kinukulit: JANINE, happy na nakapag-Venice International Film Fest tulad ni NORA
MAY na-encounter na Hollywood o international celebrity sa pagdalo ni Janine Gutierrez sa 81st Venice International Film Festival kamakailan. Para ito sa exhibition ng pelikula niyang ‘Phantosmia’ na dinirehe ni Lav Diaz na apat na oras at labinglimang minuto ang haba. “Actually ang talagang kinausap ko lang si Taylor Russell,” ang bulalas ng […]