• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 patay, 5 sugatan sa salpukan ng bus vs van

APAT ang patay habang lima ang sugatan sa salpukan ng isang van-for-hire at ng isang bus sa Barangay Estaca, sa bayan na ito kahapon (Biyernes) ng madaling araw.

 

Ayon sa imbestigasyon ng Compostela Police Station, galing Daan bantayan ang van at papunta na sanang Cebu City ng mabangga nito ang bus na papuntang Northern Cebu.

 

Kabilang sa namatay ang isang seaman na lilipad sanang Manila bago ang community quarantine sa National Capital Region sa Linggo dahil sa tumataas na kaso ng coronavirus disease 2019.

 

Iniimbestigahan pa ng otoridad kung bakit nagbanggaan ang dalawang sasakyan pati na rin ang alegasyon na nakatulog ang driver ng van na si Patrick Niel Tulo na kritikal ang kondisyon.

 

Ayon sa nakaligtas na pasaherong si Mark Lester Briones di niya masabing nakatulog ang driver ngunit sinabi niyang mabilis ang kanilang takbo at hindi umano ito dumadaan sa wastong lane.

 

Aminado naman ang driver ng bus na si Jerry Lubon di na siya nakaiwas dahil bigla nalang bumangga sa kanila ang van.

 

Hihingin ng mga awtoridad ang CCTV footage ng bus upang tingnan kung ano ang nangyari bago ang aksidente.
Haharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide, multiple physical injuries and damage to property ang driver na mapatunayang responsable sa aksidente.

Other News
  • Tokyo Olympics: Ilang torch relay staff, nagpositibo sa COVID; torneyo, tuloy kahit ‘closed doors’

    Nasa walong miyembro na ng Tokyo Olympics torch relay sa Kagoshima, Japan, ang nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID).     Ayon sa mga otoridad, ang mga naapektuhan ng COVID ay responsable sa pagkontrol ng traffic sa nasabing bansa.     Tatlo sa kanila ay nagtatatrabaho sa Lungsod ng Amami, habang tatlo ay sa Kirishima City. […]

  • 5K contact tracers para sa NCR Plus kukunin ng DOLE

    Kukuha ng karagdagang 5,000 contact tracers ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa National Capital Region Plus na magseserbisyo sa loob ng 90 araw o tatlong buwan.     Ayon kay Bureau of Workers With Special Concerns Director Atty. Ma. Karina Perida-Trayvilla ng DOLE, dapat sana ay 12,000 contact tracers ang kukunin na […]

  • AstraZeneca, Clover, Janssen vaccines lusot na sa ethics review board: DOH

    Aprubado na rin sa level ng Single Joint Research Ethics Board (SJREB) ang clinical trial application ng tatlong kompanya na nag-develop ng COVID-19 vaccines, ayon sa Department of Health (DOH).   Kinumpirma ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na nabigyan na ng clearance ang aplikasyon ng Janssen Pharmaceutical at AstraZeneca na mula Europe; at Clover […]