4 TSINONG MANDARAGAT, DINAMPOT NG MARITIME GROUP
- Published on July 30, 2020
- by @peoplesbalita
INARESTO ng Maritime Group ang apat na Tsinong mandaragat nang mamataan silang bumababa sa kanikang sasakyang pandagat sa Navotas Fish Port Complex.
Kinilalani Col. Ricardo Villanueva, hepe ng Regional Maritime Unit-National CapitalRegion Office (RMU-NCR) ang apat na naaresto na si Huang Yongjie, 42; DaiShiwen, 56; Yafeng Zhou, 47; at Tan Riyang, 47, pawang ng Guangdong, China.
Ayon kay Col. Villanueva, alas-7:45 ng umaga, nagsasagawa ng foot patrol at policevisibility ang team ni Maj. Rommel Sobrido at Capt. Randy Ludovice Pier 2 saloob ng complex nang mamataan nila ang apat na dayuhan na bumaba sa kanilang vessel at nang wala silang maipakitang kaukulang papeles ng kanilang pagkakilanlan at pakay ay inaresto sila.
Sinabi ni Villanueva, dinodoble nila ang kanilang monitoring capability sa gitna ng COVID-19 pandemic upang masuri ang bawat indibidwal, Pilipino man o dayuhan, na pumapasok sa ating katubigan.
Inisyuhan ng Task Force Disiplina ng ordinance violation receipt ang apat dahil sa kabiguang magpakita ng quarantine pass bago sila ipinasa sa the Philippine Coast Guard.
Nang suriin sa Bureau of Immigration ay nalamang ang apat na Tsino ay halos isang taon na sa kanilang sasakyang pandagat habang hinihintay na ma-renew ang kanilang seafarer’s passport.
Nauna rito, dinakip din ng RMU-NCR ang tatlong mangingisda na sakay ng ‘FBCA Maurene Clarisse’ na si Leonito Estrada Jr., 33; Danilo Bacsal, 47; at Jun de Guzman, 29, pawang mga residente ng Navotas nang mabulagang nangingisda sa restricted area at gumagamit ng ‘active gear’ na ipinagbabawal sa ilalim ng batas. (Richard Mesa)
-
Speaker Romualdez kumpiyansa sa kakayahan ni Sec. Jonvic Remulla na pamunuan ang DILG
Ikinagalak ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagkakatalaga kay Cavite Governor Jonvic Remulla bilang Kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Ipinahayag din ni Speaker Romualdez ang kanyang buong tiwala sa mga kwalipikasyon ng gobernador at sa malawak na karanasan nito sa lokal na pamahalaan na pamunuan ang DILG. […]
-
Ipinagtanggol din niya ang inaakusahang direktor: ALBIE, nagpapasalamat na ‘di pa naranasan na ma-sexually harass
SA panahon ngayon, tuwing may mediacon at may young actor na kasali, tiyak na matatanong tungkol sa kontrobersyal na isyu ngayon, ang sexual harassment, partikular sa mga lalaking artista. Bunga ito ng eskandalong kinasasangkutan ngayon nina Sandro Muhlach at Gerald Santos na usap-usapan sa buong Pilipinas. Kaya sa presscon […]
-
Duque, bagong chairperson ng WHO Western Pacific regional committee
SA gitna ng mga kwestyon sa kanyang liderato, iniluklok bilang chairperson ng World Health Or- ganization (WHO) Regional Committee for Western Pacific si Health Sec. Francisco Duque III. Nagkasundo ang 37-member states na ihalal si Duque para maging chairperson sa loob ng isang taon, kasabay ng pagbubukas ng kanilang 71st ses- sion ngayong araw. […]