• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 tulak ng marijuana, tiklo sa Malabon, Navotas drug bust

TIMBOG ang apat na hinihinalang tulak ng marijuana matapos umanong kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Malabon at Navotas Cities.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na sina alyas “Renz”, 24, at alyas “Evan”, 24, kapwa residente ng lungsod.

 

 

Ayon kay Col. Baybayan, bago ang pagkakaaresto sa mga suspek ay nakatanggap na ng impormasyon ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa pagbibenta umano ng mga suspek ng marijuana.

 

 

Nang magawa nilang makipagtransaksyon sa mga suspek, ikinasa ng SDEU ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang drug suspects dakong alas-7:30 ng gabi sa M.H. Del Pilar., Brgy. Maysilo.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 1,128 gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may standard drug price value na P135, 360.00 at buy bust money.

 

 

Sa Navotas, natimbog naman ng mga tauhan ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes sina alyas “Matoy”, 30, alyas “Rem”, 23, kapwa ng Malabon City, sa buy bust operation sa Badeo 4, Brgy., San Roque bandang alas-3:04 ng madaling araw.

 

 

Ani SDEU chief P/Capt. Luis Rufo Jr na nanguna sa operation, nakuha nila sa mga suspek ang hinihinalang liquid marijuana na nagkakahalaga ng P14,000 at buy bust money na kinabibilangan ng isang P1000 bill at tatlong P1000 boodle money.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 1965 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Pinakamalakas na submarine ng US dumaong sa Guam

    NAGSAGAWA ng port visitation sa Guam ang isa sa tinaguriang “most powerful weapon” ng US Navy ang USS Nevada.     Isa itong Ohio-class nuclear-powered submarined na may kargang 20 Trident ballistic missiles at ilang mga nuclear warheads.     Dumaong ang nasabing submarine na tinawag nilang “Boomers” sa Navy base sa US Pacific Island […]

  • PDu30, saludo sa mga nago-operate ng community pantries

    SALUDO si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga indibidwal na nago-operate ng community pantries subalit binigyang diin ang mahigpit na pagsunod sa COVID-19 safety measures habang isinasagawa ang aktibidad.   Noong nakaraang Abril, may ilang community pantries ang itinayo para magbigay ng basic goods sa mga nakikipagpambuno sa pandemiya.   Iginiit ni Pangulong Duterte na […]

  • TUMANGAY NG MOUNTAIN BIKE, ARESTADO

    KINADENA na, tinangka pang nakawin ng isang miyembro ng ‘Bahala na Gang’ ang isang mountain bike habang nakaparada sa isang parking sa Malate, Maynila.   Kasong Theft ang kinakaharap ng suspek na si Eric Bedonio, 40, may live-in partner ng 1880 Mayon St., Bulkan, Punta Sta Ana Manila dahil sa reklamo ni Maria Ninel  Madlangbayan, 16, sa […]