• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 tulak tiklo sa Navotas, Valenzuela buy bust

APAT na hinihinalang tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang bebot ang arestado sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Navotas at Valenzuela Cities, kahapon ng madaling araw.

 

 

Sa kanyang kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig na nakatanggap ang mga operatiba Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon mula sa isang Regular Confidential Informant (RCI) na nagbebenta umano ng shabu sina Allan Tremocha alyas “Allan Pakyu”, 50 at Edwina Moratalla, 46, kapwa ng Market 3, NFPC, Brgy. NBBN kaya isinailalim nila ang mga ito sa validation.

 

 

Nang positibo ang ulat, ikinasa ng mga operatiba sa pangunguna ni P/Cpt Luis Rufo Jr ang buy bust operation sa Kaduli St., Brgy. NBBS Dagat-dagatan na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek dakong ala-1:19 ng madaling araw matapos bintahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

 

 

Nakuha sa mga suspek ang humigi’t kumulang 6.54 grams ng hinihinalang shabu na may corresponding standard drug price na P44,472.00, buy bust money at coin purse.

 

 

Sa Valenzuela, natimbog naman ng mga operatiba ng SDEU team ng Valenzuela police sa pangunguna ni P/Cpt Joel Madregalejo sa buy bust operation sa No. 441 Bagong Nayon, Brgy., Bagbaguin dakong alas-5:45 ng madaling araw sina Rey Clarin, 52, pintor at Alex Devaras, 44, factory worker.

 

 

Ani Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, nakuha sa mga suspek ang apat heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman nasa P32,000.00 halaga ng hinihinalang shabu, P300 marked money, P200 recovered money at coin purse.

 

 

Pinuri naman ni P/MGen Edgar Alan Okubo, RD, NCRPO ang Navotas at Valenzuela police sa kanilang hindi natitinag na dedikasyon, maagap na mga estratehiya, at malakas na pakikipagtulungan sa komunidad para labanan ang iligal na droga at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa loob ng komunidad. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads November 12, 2021

  • P100 milyong frozen meat, agri-commodities nakumpiska

    TINATAYANG nasa P100 milyong halaga ng frozen meat at agri-commodities ang nasamsam sa isinagawang joint raid ng mga tauhan ng Food Safety Regulatory Agencies ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) sa isang warehouse na na-covert na cold sto­rage facilities sa Kawit, Cavite, iniulat kahapon.       Ayon sa DA, nadiskubre […]

  • Federer umatras na sa paglalaro sa Tokyo Olympics

    Nagpasya si Swiss tennis star Roger Federer na huwag ng maglaro sa Tokyo Olympics.     Sa kaniyang social media inanunsiyo ng 39-anyos na tennis player ang hindi na pagsali sa Olympics dahil sa kaniyang injury sa tuhod.   Lumala kasi ang kaniyang injury sa katatapos lamang na Wimbledon.   Labis itong nadismaya at nanghihinayang […]