4 wildlife traders nabitag ng Maritime police sa entrapment ops
- Published on May 14, 2024
- by @peoplesbalita
NALAMBAT ng mga tauhan ng Maritime police ang apat na wildlife traders sa magkakahiwalay na entrapment operation sa loob at labas ng National Capital Region (NCR), kaugnay ng ‘All Hands Full Ahead’ campaign.
Ayon kay Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) Chief P/Major John Stephanie Gammad, dakong alas-10:02 ng gabi noong May 9 nang maaresto si alyas “Joseph” ng kanyang mga tauhan sa ikinasang entrapment operation sa Masaya Street, Barangay Old Capitol Side, Quezon City at nakumpiska sa kanya ang apat Indian Ring Neck Parrots.
Bandang alas-4:46 ng hapon, noong May 7 nang matimbog naman ng kabilang team ng Maritime police sa naganap na entrapment operation sa Barangay Salvacion, Quezon City, si alyas “John” at nakuha sa kanya ang isang Sun Conure.
Sa Calumpit Bulacan, nalambat naman ng isa pang team ng Maritime police sa isinagawang entrapment operation sa MacArthur Highway, Purok 1, Brgy., Gatbuca, alas-8:33 ng gabi noong May 6, si alyas “Jacob” at nasamsam sa kanya ang dalawang Green Cheek Conures.
Habang nakumpiska naman kay alyas “Jonathan” ang isang Bearded Dragon matapos siyang madakip ng mga tauhan ni Major Gammad sa entrapment operation noong May 6, sa kahabaan ng MacArthur Highway, Brgy., Santa Cruz, Guiguinto, Bulacan, dakong alas-10:37 ng gabi.
Mahahrap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa Sec. 27 “Trading of Wildlife” at “Possession of Wildlife Species” of R.A. 9147 (Wildlife Resources Conservation Protection Act) in relation to Sec. 6 of R.A. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012). (Richard Mesa)
-
Libo-libong seafarer, nanganganib mawalan ng trabaho
Nanganganib na mawalan ng trabaho ang libo-libong seafarer matapos madiskubre na 61 maritime school sa bansa ay bigong sumunod sa itinakdang regulasyon ng Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers (STCW) convention. Natuklasan ito sa pakikipagpulong ni Marino Party-list First Rep. Sandro Gonzalez sa Maritime Industry Authority (MARINA) kung saa’y sa report ng […]
-
Super nag-enjoy sa bakasyon nila sa Singapore: Relasyon nina JULIA at GERALD, ipinapakita na mas lalong tumatag
IPINAPAKITA lang talaga ng mag-dyowa na sina Julia Barretto at Gerald Anderson na habang tumatagal, mas lalong tumatatag ang relasyon nila. Kahit ilang beses na naiintriga na kesyo nagkakalabuan o break na, dedma lang ang dalawa at manggugulat na masaya silang magkasama. Tulad na lang sa pag-attend nila sa F1 race […]
-
VP Sara, pinuri si PBBM sa kanyang unang taon bilang Pangulo ng Pilipinas
PINURI ni Vice President Sara Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa matagumpay na unang isang taon nito sa pamamalakad sa bansa bilang halal na Pangulo. Sinabi ni Duterte na pinatunayan lamang ni Pangulong Marcos sa unang taon niya bilang Pangulo na determinado ang kanyang gobyerno na tupdin ang lahat ng kanyang mga […]