40.7 init, posible hanggang Mayo – PAGASA
- Published on April 20, 2024
- by @peoplesbalita
DAHIL sa patuloy na epekto ng El NIño phenomenon o panahon na walang ulan at summer season, tinaya ng PAGASA na papalo mula 40.3 hanggang 40.7 ang temperatura sa Northern Luzon hanggang sa katapusan ng Mayo.
Sinabi ni Dra. Ana Solis, hepe ng Climate Monitoring and Prediction ng PAGASA, nakapagtala na ang Isabela ng 40 temperatura nitong nagdaang April 15 at patuloy pa ang pagtindi ng init ng panahon kayat inaasahan na ang pagtaas pa dito ng temperatura.
Binigyang diin ni Solis na mas matindi ang init na nararamdaman sa mga Urban areas o ang Urban Heat Island Effect dahil matindi ang init ng solar heat emission na tumatama sa mga semento tulad ng mga bato, gusali, kalsada na gawa sa semento kayat napakainit ng pakiramdam sa urban areas laluna kung lalabas ng etablisimyento o tahanan.
Binigyang diin ni Solis na tataas sa 36.9 maximum daytime temperature.
Umaasa naman ang PAGASA na sa pagpasok ng buwan ng Hunyo ay maglaho na ang panahon ng El Niño tuloy makaranas na ng katamtaman at normal na panahon ang bansa lalu na ang Metro Manila.
-
Mga prison camp ng Bureau of Corrections, zero case na sa COVID 19
ZERO case na o wala ni isa mang preso sa alinmang prison camp ng Bureau of Corrections ang mayroon pang COVID-19. Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Bureau of Corrections spokesperson Assistant Secretary Gabriel Chaclag na zero COVID case na mayroon ang kanilang ahensiya. Iyon nga lamang, may dalawa sa kanilang personnel […]
-
TONY, piniling mag-stay sa Dos dahil sa utang na loob
ISA si Tony Labrusca na tumatanaw ng utang na loob sa ABS-CBN kaya nag-stay pa rin siya at hindi tumanggap ng projects sa ibang TV network. “Ako po, pinag-pray ko talaga kasi honestly this time, gulung-gulo ako kung ano ang gagawin kasi ang daming lumilipat, honestly may mga naging offers ako sa ibang network […]
-
Pinas, nakakuha ng ₱9-B loan mula France
NAKAKUHA ang Pilipinas ng €150-million o mahigit na ₱9 billion policy-based loan mula France para idagdag at gamitin sa “climate change mitigation at adaptation.” Sinabi ng French Development Agency (AFD) na nagsagawa ito ng ceremonial exchange of documents sa Department of Finance sa loan na tinintahan noong nakaraang Disyembre 29, 2022. Naglalayon itong tulungan ang […]