40 BI officials na sangkot sa ‘Pastillas Scheme’ sinabon at pinakain ng pera
- Published on November 11, 2020
- by @peoplesbalita
MAHIGIT 40 opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na sangkot sa “Pastillas Scheme” ang ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang.
Ito ang mga tauhan ng BI na nakatalaga sa airport na tumatanggap ng pera na suhol para makabilis na makapasok sa bansa ang mga Chinese nationals king saan nakarolyo ang perang suhol sa papel na kapareho sa pastillas.
Nabatid na sinermunan at sinabon nang husto ni Pangulong Duterte ang mga tauhan ng BI.
Sa photo release ng Malacañang, may mga nakalagay na nakarolyong papel na kamukha ng pastillas sa mga upuan ng mga ipinatawag na BI officials.
Una rito, sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra na ipinakain ni Pangulong Duterte ang mga pastillas na nasa upuan.
Pero ayon kay Sec. Guevarra, hindi totoong pastillas ang mga nasa upuan kundi perang nakarolyo kagaya ng pastillas.
Wala naman daw naglakas ng loob na umimik o sumagot habang nagsasalita si Pangulong Duterte.
Maliban kay Sec. Guevarra, kasama rin kagabi ni Pangulong Duterte sina Executive Sec. Salvador Medialdea at Sen. Bong Go. (Richard Mesa)
-
PDu30, tatakbong senador sa 2022 elections
TULOY na ang pagsabak ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagka-senador sa 2022 national at local elections. Sa katunayan, naghain na si Pangulong Duterte ng kanyang certificate of candidacy para tumakbo sa pagka-senador Eleksyon 2022. Kinumpirma ni Senador Bong Go ang paghahain ng certificate of candidacy ng Pangulo sa Commission on Elections’ headquarters […]
-
‘Household lockdowns,’ inirekomenda sa pamahalaan dahil sa pagsirit ng COVID cases
Nananawagan si Marikina Rep. Stella Quimbo sa pamahalaan na magpatupad ng “household lockdown” sa harap nang surge ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) sa bansa. Sa isang statement, sinabi ng ekonomistang kongresista na kailangan na magkaroon ng mas marami pang “localized lockdown” para mapigilan ang pagkalat pa lalo ng COVID-19. Ayon kay […]
-
PBBM, titintahan ang 3 kasunduan sa kanyang pagbisita sa Australia
SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tatlong kasunduan na naglalayong palakasin ang relasyon ng Pilipinas at Australia ang nakatakdang tintahan sa kanyang pagbisita sa Australian capital Canberra. “I anticipate an enhancement of the mutual understanding between the Philippines and Australia as we share a common vision not just for our bilateral […]