• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

40,000 KAPSULA NG ANTI COVID, NAI-DELIVER NA SA MAYNILA

NATANGGAP na ng pamahalaang lungsod ng Manila ang 40,000 kapsula ng anti-Covid drug na Molnupiravir.

 

Ang nasabing gamot para sa COVID-19 ay idiniliber sa Sta.Ana Hospital kung saan mismong si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Aksyon Demokratiko Presidential aspirant ang nanguna sa symbolic turn-over  ng ilang kahon ng Molnupiravir sa Manila Covid 19 Field Hospital sa Luneta noong Martes ng umaga.

 

Sinasabing 50 porsyentong nakagagamot ng COVID-19 ang Molnupiravir.

 

“We should always be ahead of Covid infections. We were the first to purchase Remdesivir and Tocilizumab. And now this wonder drug Molnupiravir, tayo rin ang naunang bumili. I will continue to listen to science. I always listen to Doc Willie Ong when it comes to anti-covid drugs,”pahayag ni Domagoso

 

Sinabi ni Domagoso na marami na ang matutulungan ang 400,000 capsules ng naturang anti-Covid drug kung saan mismong si Doc Willie Wong na kanyang runningmate ang siyang nagrekomenda nito.

 

Ang Molnupiravir (Molnarz) ay available na sa bansa  matapos bigyan ng Compassionate Special Permit (CSP) ng Philippine Food and Drug Administration. GENE ADSUARA

Other News
  • Barangay chairman itinumba ng 2 riding-in-tandem sa Malabon

    Dedbol ang isang barangay chairman matapos pagbabarilin ng dalawa sa apat na hindi kilalang mga suspek likod ng kanyang bahay sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.   Dead on arrival sa Manila Central Univesity (MCU) hospital sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Anthony Velasquez, 41, Barangay Chairman […]

  • Gumawa ng bagong YouTube account na ‘Mamang & Malia’: POKWANG, wala ng kaugnayan sa mga joint social media account nila ni LEE

    INAMIN ni Rhian Ramos ang nangyaring hiwalayan at balikan nila ng businessman-turned-politician na si Sam Verzosa.   Sa pagkakataong ito, napag-uusapan na kaya ng dalawa ang magpakasal?   Aminado ang ‘Royal Blood’ star na nagkulang sila sa komunikasyon ng nobyo na kinatawan ngayon ng isang party-list group sa Kamara de Representantes.   “What happened was, […]

  • Pinay nag-silver sa archery

    SUMBLAY si Shirlyn Ligue ng World Archery Philippines (WAP) sa 543 points old world record ni Claire Xie ng USA sa women’s 60-arrow, 18-meter category, pero sinapol ang silver medal sa bare bow category ng Online Indoor Archery Series sa nagdaang linggo.     Kinapos lang ng isang puntos ang 30-anyos na grade school teacher […]