• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

42 mambabatas, pinaiimbestigahan ang sunog sa MCPO

NAIS ng nasa 42 mambabatas na imbestigahan ng kamara ang naganap na sunog sa Manila Central Post Office building na nagdulot ng matinding pagkasira sa nasabing istraktura.

 

 

Sa House Resolution 1019, sinabi ng mga mambabatas na miyembro ng Arts, Culture and Creative Industries Bloc (ACCIB) ng kamara, na kailangang ang pagsasagawa ng imbestigasyon dala na rin sa importansiya nang pagiging heritage site nito.

 

 

Ayon kay Pangasinan Rep. Christopher de Venecia, Chairman ng House Committee on Creative Industry & Performing Arts, may mga ulat na walang anumang uri ng fire suppression system o water sprinklers ang MCPO building.

 

 

“It took about 30 hours to declare fire out. Apparently, this may have been a disaster waiting to happen. We will certainly take a close look to ascertain the real timeline of events during the fire and the building maintenance and security logs,” ani De Venecia.

 

 

Nais din aniya nilang malaman kung ano pang mga lumang gusali ng gobyerno ang walang fire suppression systems, lalo na yaong bahagi na ng kasaysayan ng bansa kabilang na ang National Museum, Cultural Center of the Philippines, National Library, at University of the Philippines. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • ‘Matigas talaga ulo ko’: Paalam sure medal winner na sa Olympics kahit na-headbutt

    Siguradong makapag-uuwi ng medalya mula sa 2020 Tokyo Olympics ang isa pang Pinoy na atleta — sa pagkakataong ito, sa larangan ulit ng boksing.     Natalo kasi ng Pinoy boxer na si Carlo Paalam ang reigning Olympic champion na si Shakhobidin Zoirov (Uzbekistan), dahilan para dumiretso siya sa semifinals sa Huwebes. Dahil dito, bronze […]

  • Napatunayang kabaligtaran ang nakarating sa kanya… KIRAY, gustong balikan isa-isa ang mga nagsabi ng paninira kay MARIAN

    SA grand mediacon ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, na nagbabalik-serye sa “My Guardian Alien”, ipinagtanggol ni Kiray Celis ang aktres tungkol sa mga kanegahan sa ugali nito at mahirap ding katrabaho.     Pinatunayan nga ni Kiray na fake news ito dahil siya mismo ang nakasaksi sa kabaitan ni Marian, na first time lang […]

  • Dominanteng COVID-19 variant na sa mundo ang ‘Stealth Omicron’

    DOMINANTENG  variant na ng COVID-19 sa buong mundo ang ‘stealth Omicron’ o ang BA.2, na nagbabanta ngayon na naging dahilan ng panibagong ‘surge’ sa mga bansa sa kanluran kabilang ang Estados Unidos.     Ayon sa World Health Organization (WHO), nirerepresenta ngayon ng BA.2 ang 86% ng lahat ng kasong isinailalim sa ‘genome sequencing’ sa […]