49th MMFF Parade of Stars ginanap sa CAMANAVA
- Published on December 19, 2023
- by @peoplesbalita
IPINAGDIWANG ang 49th Metro Manila Film Festival Parade of Stars sa mga Lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA) kung saan tampok ang mga float ng sampung pelikulang kalahok ngayon taon para i-promote ang mga ito.
Nagsimula ang kick-off program sa Navotas Centennial Park sa pamamagitan ng mga mensahe at pagbati mula kay Metro Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairman, Atty. Don Artes, at mga mayor ng lungsod ng CAMANAVA na sina Mayor Wes Gatchalian, Mayor John Rey Tiangco, Mayor Dale Gonzalo Malapitan, at Mayor Jeannie Sandoval na nagpahayag ng kanilang suporta sa taunang pagdiriwang.
Nagpasalamat naman si Mayor Tiangco sa MMDA, sa pagbibigay ng oportunidad na maging bahagi ang Lungsod ng Navotas ng Parade of Stars. “Suportahan po natin ang pelikulang Pilipino!” aniya.
Matapos ang programa sa Navotas Centennial Park, sinimulan na ang parada ng mga makukulay na floats sakay ang mga artistang gumanap sa sampung pelikulang kalahok sa MMFF kung saan sabik nainabagan sila ng kanilang mga tagahanga para personal silang makita at makakuha at mga videos.
Ang sampung pelikulang kalahok sa MMFF ngayong taon ay kinabibilangan ng Firefly, When I Met You In Tokyo, Rewind, Broken Hearts Trip, Mallari, Penduko, Gomburza Family Of Two, K(a)mpon, At Becky & Badette. Ang MMFF 2023 ay bumalot sa makulay na kultura at kasaysayan ng bansa sa pamamagitan ng modernong pagkukuwento.
Nagtapos ang parada sa Valenzuela City na sinundan ng pagsasara ng programa at film showing sa Valenzuela City People’s Park and Amphitheatre kung saan dinumog ng tone-toneladang Valenzuelanos, kasama si Mayor Gatchalian para saksihan ang movie entries ng MMFF. (Richard Mesa)
-
RCB Basilan 5-Cockfest, balik-tukaan
MAGBABALIK ang mga serye ng mga ‘Big Event’ cockfest sa Pasay City Cockpit sa pamamagitan ng RCB Basilan 5-Cock Derby sa Biyernes, Marso 13 na may 40 sultada. Patuka ito ni Ronald Barandino ng Basilan, ang 2012 World Slaher Cup champion, at mga itataguyod naman ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000. Kalahok din […]
-
St. Benilde ‘di bibitaw sa liderato
ANG PANANATILI sa itaas ng team standings ang hangad ng College of St. Benilde sa pagharap sa San Sebastian College-Recoletos sa NCAA Season 100 men’s basketball tournament sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City. Lalabanan ng Blazers ang Stags ngayong alas-11 ng umaga kasunod ang banggaan ng Letran Knights at nagdedepensang San […]
-
Blue Eagles susukatin ang Falcons; Archers haharap sa Tamaraws
PUNTIRYA ng nagdedepensang Ateneo at La Salle na mapanatiling malinis ang rekord sa pagharap sa magkahiwalay na karibal sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Aarangkada ang Blue Eagles laban sa Adamson Falcons ngayong alas-10 ng umaga, habang titipanin ng Green Archers ang Far Eastern […]