• July 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4K COVID-19 cases kada araw sa NCR ibinabala ng DOH

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko na maaaring umakyat sa 4,000 kada araw ang average na kaso ng COVID-19 matapos ang Kapaskuhan.

 

“Cases in NCR may reach upward of 4,000 per day which may overwhelm our health system capacity to upwards of 80 percent utilization by end of January if we do not act aggressively to halt transmission now,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa virtual briefing .

 

Posible umanong maulit ang “peak” o pinakamataas na antas ng panganib ng COVID-19 na naranasan noong Agosto kung hindi pag-iibayuhin ang disiplina ngayong Disyembre makaraang matukoy ang unti-unting pagtaas sa mga kaso ngayon.

 

Mula sa 0.8 RO (Reproduction Rate), umakyat na ito sa 1.6RO sa Metro Manila nitong Disyembre 12 at inaasahang tataas pa.  Nakapagtala ang DOH ng 3.27 RO noong Agosto na siyang pinakamataas na antas ng community transmission ng COVID-19 sa bansa.

 

Siyam na lungsod sa Metro Manila ang nasa ‘moderate risk’ na ngayon kumpara noong Nobyembre nang nasa ‘low risk’ ang lahat ng siyudad. Na­ngunguna sa mga namonitor ng pagtaas ng kaso ang mga lungsod ng Maynila, Quezon City, Makati City at Pasig City.

 

Bukod sa NCR, namonitor din ng DOH ang pagtaas ng mga kaso sa Regions I, II, Davao Region at CAR (Cordillera Administrative Region).

 

“If this trend continues and is not mitigated, it will lead to a sharp spike of cases that might overwhelm our health system capa­city, similar to the peak we experienced last August in the NCR. The occurrence of another surge will no longer be a matter of “if” but of “when and by how much,” ayon pa sa DOH.

 

Ipinaalala ng ahensya na napakalaki na ng pinagdaanan at sakripisyo ng bawat isa para marating ang mababang reproduction rate dahilan para ibaba na rin ang ‘lockdown levels’ ngunit maaaring mabalewala lahat kung ngayon pa lang hindi mag-iingat at magtutulungan ang lahat.

 

Ibinilin muli ng DOH ang pagsunod sa ‘minimum health standards’ tulad ng pagsunod sa ‘physical distancing’, palagiang pagsusuot ng face mask at shields, at huwag paglabas ng bahay kung hindi naman importante ang pakay. Dapat ding umiwas sa malakihang handaan, kantahan, at pagbisita sa mga kaanak sa selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon.

 

“We have witnessed what a spike in cases might mean to us—the extensive lockdowns and how it has affected our families, our healthcare workers, the small businesses and large enterprises alike, and how it almost, if not completely, paralyzed our economy. We do not want that to happen again,” dagdag ng DOH. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Djokovic nahigitan na si Federer sa may pinakamatagal na pagiging numero 1

    Nahigitan na ni Novak Djokovic ang record na hawak ni Roger Federer sa may pinakamaraming linngo na nanatili sa unang puwesto sa world ranking.     Umaabot na kasi sa 311 linggo na nananatili sa unang puwesto ang Serbian tennis star.     Nalagpasan na nito ang 310 na linggo na hawak ng Swiss tennis […]

  • 2 TULAK TIMBOG SA P1-MILYON SHABU SA NAVOTAS

    NASAMSAM sa dalawang hinihinalang tulak ng illegal na droga ang mahigit P1 milyon halaga ng shabu matapos matimbog sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na sina Lean Balauro, 32, (Pusher/listed), at Dave Abila, 25, […]

  • 50K jeepney drivers sa Metro Manila mawawalan ng trabaho — Manibela

    POSIBLENG umabot sa 50,000 jeepney drivers sa Metro Manila ang hindi na makabiyahe at tuluyang mawalan ng trabaho sa pagsisimula ng taong 2024.     Sinabi ni MANIBELA President Mar Valbuena, ito na umano marahil ang pinakamalungkot na Pasko sa hanay ng libu-libong mga jeepney dri­vers ngayong taon dahil bubulagain sila ng ‘jobless’ na status […]