• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

5 sugatan sa karambola

LIMA katao ang sugatan sa naganap na karambola ng mga sasakyan Huwebes ng gabi sa San Andres, Maynila.

 

Dinala sa mga ospital para malapatan ng lunas sa tinamong sugat sa aksidente ang mga biktima na nakilalang sina Jener Sawal, Richard Opena, Merry Girl Galagate, Riyan Gandamon at Chinese national na si Alvin Tiu Chua.

 

Sa ulat ng MPD- Traffic Enforcement Unit , pasado alas 10:00 kamakalawa ng gabi ng maganap ang insidente sa OsmeƱa kanto ng San Andres , Maynila.

 

Sangkot naman sa aksidente ang tatlong sasakyan na kapwa nagkayupi-yupi kung saan ang isang motorsiklo ay naipit pa ng Trail Blazer Duramax.

 

Nabatid na dahil sa madulas na daan dulot ng malakas na ulan ang maaring isa sa dahilan ng karambola ng mga sasakyan.

 

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente. (Gene Adsuara)

Other News
  • Isang daang libong sasakyan , maaaring mabigyan ng prangkisa ayon sa LTFRB

    PLANO ngayon ng Land Transportation Franchising and Regulatory board na dagdagan pa ang mga Transport Network Vehicles Services na mabibigyan ng prangkisa.     Sa ilalim ng planong ito ay papayagan ng LTFRB na makakuha ng prangkisa ang 100,000 na sasakyan upang matugunan ang pangangailangan ng libo-libong pasahero sa Metro Manila.     Ayon kay […]

  • 10th Anniversary, naganap sa bonggang events place ni Tei: ODETTE, CHANDA, SHERYL at CELIA, ilan sa nakatanggap ng Artist Circle’s ‘Dekada Award’

    NAGANAP ang engrandeng 10th Anniversay party ng Artist Circle noong May 11, 2022 sa bonggang Aquila Crystal Tagaytay Events sa Tagaytay City.     Pag-aari ito ng newest artist ng Artist Circle si Tei Endencia, at ayon sa founder/manager na si Rams David, na-meet niya ang event specialist dahil kay Wilma Doesnt na isa rin […]

  • Lockdown sa Metro Manila

    Patuloy ang pagtaas ng bilang ng nagpopositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa bawat araw na lumilipas. Kaya may humihirit na rin na pansamantalang magpatupad ng lockdown sa buong Metro Manila kung saan naitala ang karamihan sa mga nagpositibo.   Nangangahulugan ito na isasara muna ang mga paliparan para sa domestic flights, South Luzon […]