5 sugatan sa karambola
- Published on October 5, 2020
- by @peoplesbalita
LIMA katao ang sugatan sa naganap na karambola ng mga sasakyan Huwebes ng gabi sa San Andres, Maynila.
Dinala sa mga ospital para malapatan ng lunas sa tinamong sugat sa aksidente ang mga biktima na nakilalang sina Jener Sawal, Richard Opena, Merry Girl Galagate, Riyan Gandamon at Chinese national na si Alvin Tiu Chua.
Sa ulat ng MPD- Traffic Enforcement Unit , pasado alas 10:00 kamakalawa ng gabi ng maganap ang insidente sa Osmeña kanto ng San Andres , Maynila.
Sangkot naman sa aksidente ang tatlong sasakyan na kapwa nagkayupi-yupi kung saan ang isang motorsiklo ay naipit pa ng Trail Blazer Duramax.
Nabatid na dahil sa madulas na daan dulot ng malakas na ulan ang maaring isa sa dahilan ng karambola ng mga sasakyan.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente. (Gene Adsuara)
-
KELOT TODAS SA PINAGSELOSANG KATRABAHO NG GF
DEDO ang isang 20-anyos na kelot matapos saksakin ng sinakal niyang pinagseselosang katrabaho ng kanyang girlfriend sa Valenzuela city. Dead-on-arrival sa Valenzuela Medical Center sanhi ng dalawang saksak sa katawan ang biktimang si Jerome Vicente, 20, ng Sauyo, Quezon City. Nadakip naman at nahaharap ngayon sa kasong homicide ang suspek na kinilalang si […]
-
3 MENOR DE EDAD NA KABABIHAN, NAISALBA SA ONLINE SEXUAL EXPLOITATION
NAISALBA ng National Bureau of Investigation (NBI)-Anti Human Trafficking (AHTRAD) ang tatlong menor de edad na kababaihan na biktima ng Human trafficking sa Dasmarinas City, Cavite. Ayon kay NBI Officer-in-Charge (OIC) Director Eric B. Distor na nag-ugat ang kaso mula sa Federal Bureau of Investigation (FBI) na ipinadala sa Philippine Internet Crimes Against Children […]
-
P1,000 taas sa buwanang sahod para sa mga kasambahay sa NCR, aprubado na – DOLE
INAPRUBAHAN na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-National Capital Region (RTWPB-NCR) ang P1,000 taas sa buwanang sahod ng mga kasambahay ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE). Ayon kay DOLE spokesperson Rolly Francia, magiging P6,000 na ang buwanang sahod ng mga kasambahay sa National Capital Region. Nasa 200,000 kasambahay […]