• September 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Haponesa sasawatain si Saso

KAKASAHAN si Yuka Saso ng Pilipinas nG 16-time Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA) champion na si Ai Suzuki ng Japan para hindi maparehasan ang three-straight title mark niya sa mayamang liga.

 

Maski ang iba pang mga kasali kaparehas ang misyon ng Japanese laban sa 19-year-old na Fil-Jap sa paghampas ngayong Biyernes (Setyembre 4) ng  Golf 5 Ladies Professional Golf Tournament sa Golf5 Country Mizunami Course sa Gifu.

 

Ang probla lang malamang na wala pa sa kondisyon ang 26-anyos na Haponesa dahil sa kakulangan niya mga torneo sa nakalipas na buwan dahilan na rin sa Covid-19 na natumpyas din sa maraming yugto ng Japan tour na ito.

 

Kapag nakatatlong dikit na korona naman ang tubong San Ildefonso, Bulacan na si Saso, bukod sa record ni Suzki, m,agiging kalakip pa na siya ang unang tinedyer na nagtamo nito nito.

 

Ang kambal na sunod na tagumpay ni Saso ang nag-upo na rin sa kanya sa No. 76 sa world rankings na basehan sa mga hahambalos sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan. (REC)

Other News
  • NAGPANGGAP NA REPORTER, ARESTADO SA VALENZUELA

    KALABOSO ang 57-anyos na lalaki na nagpakilalang miyembro ng media matapos manghingi ng pera sa isang barangay opisyal kapalit umano ng magandang write up sa mga aktibidad ng kanilang barangay sa Valenzuela City.     Nahaharap sa kasong Estafa at paglabag sa BP.6 (Illegal Possession of Deadly Weapon) ang suspek na kinilala bilang si Edwin […]

  • Ads August 13, 2022

  • Kongreso iimbestigahan ang no-contact apprehension

    HININGI ni Surigao del Norte Rep. Robert “Ace” Barbers sa Kongreso na gumawa ng isang imbestigasyon sa pagpapatupad ng no-contact apprehension policy (NCAP) na ginagawa ng mga local government units (LGUs) at ng Metro Manila Development Authority (MMDA).       Dahil na rin sa mga reklamo ng mga motorista lalo na ang mga motorcycle-riding […]