• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

5 timbog sa halos P1 milyon shabu

LIMANG hinihinalang drug personalities, kabilang ang tatlong babae ang arestado matapos makuhanan ng halos P1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Caloocan at Malabon cities, kahapon ng madaling araw.

 

Ayon kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Eliseo Cruz, dakong 2 ng madaling araw nang madamba ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Ramon Aquitan si Rachel Carlos, 44, Kristine Torres, 42, Erica Penalosa, 31 at Estilito Berlos, Jr. 49, matapos bentahan ng P5,000 halaga  ng shabu ang isang undercover police na nagpanggap na buyer sa buy-bust operation sa Blk 1 Pampano St. Phase 2 Area 3, Brgy. Longos, Malabon city.

 

Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 75 gramo ng shabu na tinatayang nasa P516,800.00 ang halaga, marked money at isang apple brand cellular phone.

 

Nauna rito, alas-12:30 ng madaling araw nang masakote din ng mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni Capt. Aquiatan ang “Commando Gang” member na si Marlon Calimlim, 44, sa buy-bust operation sa loob ng kanyang bahay sa 119 Int. 1 4th Avenue, West Grace Park, Brgy. 49, Caloocan city.

 

Ani BGen. Cruz, si Calimlim ay kabilang sa police drug watch list kung saan mahigit isang linggo itong isinailalim sa surveillance ng mga operatiba ng DDEU.

 

Narekober sa suspek ang P1000 marked money, cellphone at asul na pouch na naglalaman ng humigit kumulang sa 61 gramo ng shabu na tinatayang nasa P414,800 ang halaga.

 

Pinuri naman ni BGen. Cruz si Capt. Aquiatan at kanyang mga tauhan sa matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek. (Richard Mesa)

Other News
  • Mga otoridad sa China kinumpirmang walang nakaligtas sa 132 kataong lulan ng pampasaherong eroplano

    KINUMPIRMA ng Civil Aviatioin Administration ng China na walang nakaligtas sa kabuuang 132 sakay ng bumagsak na pampasaherong eroplano sa southern China.     Sinabi ni Hu Zhenjiang, deputy director-general ng Civil Aviation Administration of China, lahat aniya ng 123 na pasahero at siyam na crew ang nasawi ng bumagsak ang flight MU5735 ng China […]

  • Sen. De Lima tinanggap ang pag-sorry ni Sandra Cam

    INIHAYAG ng nakakulong na dating senador na si Leila de Lima na tinatanggap niya ang paghingi ng tawad ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board member Sandra Cam.     Ayon kay dating Senator de Lima, masaya siya dahil nagsisi na umano si Cam sa kanyang mga nagawa at malugod niyang tinatanggap ang paghingi […]

  • JOHN LLOYD, nag-trending dahil inabangan ang first tv appearance; ganun na lang ang pasasalamat kay WILLIE

    INABANGAN at nag-trending nga sa Twitter Philippines ang first appearance ni John Lloyd Cruz sa Shopee 6.6 tv special last Sunday, na ginanap sa Smart Araneta Coliseum at napanood sa GMA-7.     Si Willie Revillame ang host/producer ng show at dahilan sa pagbabalik ni John Lloyd sa Kapuso Network.     Binigyan ni Willie […]