5 timbog sa halos P1 milyon shabu
- Published on December 18, 2020
- by @peoplesbalita
LIMANG hinihinalang drug personalities, kabilang ang tatlong babae ang arestado matapos makuhanan ng halos P1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Caloocan at Malabon cities, kahapon ng madaling araw.
Ayon kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Eliseo Cruz, dakong 2 ng madaling araw nang madamba ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Ramon Aquitan si Rachel Carlos, 44, Kristine Torres, 42, Erica Penalosa, 31 at Estilito Berlos, Jr. 49, matapos bentahan ng P5,000 halaga ng shabu ang isang undercover police na nagpanggap na buyer sa buy-bust operation sa Blk 1 Pampano St. Phase 2 Area 3, Brgy. Longos, Malabon city.
Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 75 gramo ng shabu na tinatayang nasa P516,800.00 ang halaga, marked money at isang apple brand cellular phone.
Nauna rito, alas-12:30 ng madaling araw nang masakote din ng mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni Capt. Aquiatan ang “Commando Gang” member na si Marlon Calimlim, 44, sa buy-bust operation sa loob ng kanyang bahay sa 119 Int. 1 4th Avenue, West Grace Park, Brgy. 49, Caloocan city.
Ani BGen. Cruz, si Calimlim ay kabilang sa police drug watch list kung saan mahigit isang linggo itong isinailalim sa surveillance ng mga operatiba ng DDEU.
Narekober sa suspek ang P1000 marked money, cellphone at asul na pouch na naglalaman ng humigit kumulang sa 61 gramo ng shabu na tinatayang nasa P414,800 ang halaga.
Pinuri naman ni BGen. Cruz si Capt. Aquiatan at kanyang mga tauhan sa matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek. (Richard Mesa)
-
Arkong Bato Park sa Valenzuela City, bukas na
PINANGUNAHAN ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary REX Gatchalian, kasama sina Vice Mayor Lorie Natividad-Borja, City Councilors, Arkong Bato Punong Barangay at Council ang ribbon-cutting ng bagong gawang Arkong Bato Linear Park sa Marcelo H. del Pilar Street, Barangay Arkong Bato, Valenzuela City. Magtagumpay din naibalik ang monumento ni Kapitan Delfin […]
-
Sa prestigious Jinseo Arigato International Film Festival: Direk NJEL, pinarangalan bilang ‘Best International Film Director’
MATAPOS maglunsad ng anim na pelikula nang sabay-sabay, naipanalo na naman ni Direk Njel de Mesa ng NDMstudios ang ating bayan sa prestihiyosong Jinseo Arigato International Film Festival sa Japan. Pinarangalan si Direk Njel ng “Best International Film Director” Award sa malaking Nagoya Trade and Industry Center sa Nagoya, Japan. Ang award ay ginawad ng […]
-
Closeness nila Kim, kapansin-pansin: PAULO, may tsikang nagkabalikan sila ni JANINE pero naghiwalay ulit
SA kanyang “Showbiz Updates” nung Linggo ay binanggit ni Ogie Diaz ang dahilan kung bakit nagkahiwalay sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez. Ayon pa sa sikat at kilalang showbiz insider ay parang walang nakikitang plano si Paulo para sa relasyon nila ni Janine, huh! Ayon pa sa pasabog ng TV host at part time actor […]