6 SANGKOT SA DROGA TIKLO SA P274-K SHABU
- Published on September 5, 2020
- by @peoplesbalita
ANIM na hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang bebot ang arestado matapos makumpiskahan ng higit sa P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon city, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na si Micaela Onrubia, 23, Fernando Ison, 56, Jayson Lacaba, 27, Robert Christian Navarro, 26, Joseph Dela Cruz, 53, at Jocelyn Quilang, 37.
Sa imbestigasyon ni PSSg Ramos Timmago, alas-4:30 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Adonis Aguila ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Tanigue St. corner Dagat-Dagatan Brgy. Longos.
Isang undercover pulis na nagpanggap na poseur-buyer ang nagawang makaiskor sa mga suspek ng P1,000 halaga ng shabu.
Nang iabot ng mga suspek ang isang sachet ng shabu sa pulis poseur-buyer kapalit ng marked money ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba.
Nasamsam sa mga suspek ang 19 plastic sachets na naglalaman ng aabot sa 40.3 gramo ng shabu na may standard drug price P274,040 at buy-bust money.
Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Malabon City Prosecutors Office. (Richard Mesa)
-
Navoteños, makakabili na ng bigas na P20 per kilo
MAKAKABILI na ang mga residente ng Navotas ng dekalidad na bigas sa halagang P20.00 lamang kada kilo, kasunod ng paglulunsad ng P20 Rice Project ng Department of Agriculture (DA) sa lungsod. Sa pamamagitan ng inisyatiba, ang bigas ay mabibili sa abot-kayang presyo ng mga mahihinang sektor, kabilang ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program […]
-
COVID-19 booster shots, planong iturok sa mga seniors kasabay ng ‘national vaccination drive’
Target ngayon ng pamahalaan na maturukan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine booster shots ang mga senior citizen kasabay ng tatlong araw na national vaccination drive sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1. Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) vaccine development expert panel head Dr. Nina Gloriani, puwede rin umanong mag-avail ang […]
-
Bicol pinalubog ni ‘Kristine’: 7 patay!
PINALUBOG ng bagyong ‘Kristine’ ang Bicol region na nagresulta sa pagkamatay ng pito katao habang libu-libo ang inilikas , Miyerkules. Sa ulat ni PNP-Bicol chief, PBGen. Andre Dizon, ang mga naitalang nasawi ay mula sa Naga City, bayan ng Palanas sa Masbate at sa Bagamanoc sa Catanduanes habang mula naman sa Paracale town sa […]