• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

5 timbog sa pot-session sa Valenzuela

LIMANG hinihinalang drug personalities kabilang ang dalawang bebot ang arestado matapos maaktuhan ng mga pulis na sumisinghot umano ng shabu sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) head PLT Joel Madregalejo ang mga naaresto na sina Mary Jane Montemayor, 35, Sharijune Santos, 32, John Paul Arzadon, 23, Rodolfo Espocie, 46, at Joey Sta Ana, 42.

 

 

Sa report ni SDEU investigator PSSg Ana Liza Antonio kay Valenzuela police chef Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-10:30 ng gabi nang magsagawa ng validation ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PSSg Alvin Olpindo hinggil sa napaulat na pot session sa No. 312 Dulong Tangke St., Brgy. Malinta.

 

 

Dito, naaktuhan ng mga operatiba ang mga suspek na sumisinghot umano ng shabu na naging dahilan upang arestuhin ang mga ito.

 

 

Nasamsam sa mga suspek ang tinatayang nasa 3 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P20,400, ilang drug paraphernalias, P320 cash at 3 cellphones.

 

 

Kasong paglabag sa Section 11, 12, at 15 under Article II of R.A 9165 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Valenzuela City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Other News
  • Sexually transmitted infections, tinawag na ‘silent epidemic’

    LUNGSOD NG MALOLOS– Sa ikatlong serye ng YouthTube o Youth Talakayan, Ugnayan, Balitaan Etc., tinalakay ang Sexually Transmitted Infections upang matulungan ang mga kabataan na magkaroon ng maalam at tamang pananaw sa pagkakaroon ng malusog na pamumuhay sa ginanap na online na programa kasama ang mga pangulo ng Sangguniang Kabataan sa lalawigan kamakailan.   Ito […]

  • DA, pinag-aaralan ang lahat ng opsyon para ibaba ang presyo ng sibuyas, pinag-iisipan ang pag-angkat

    SA GITNA nang tumataas na presyo ng sibyas sa piling pamilihan, sinabi  ng Department of Agriculture (DA) na pinag-aaralan nito ang lahat ng opsyon kabilang na ang posibilidad na mag-angkat ng  commodity,  para mapababa ang presyo nito.     Sinabi ni DA Assistant Secretary Kristine Evangelista  na nakikipag-ugnayan na sila sa mga onion farmers para […]

  • Pia, nakausap na si Sarah at nagka-ayos na sila

    KAYA pala panay na ang post ni Sarah Wurtzbach – Manze na ‘stop hating Pia’ dahil nagka-usap at nagka-ayos na sila ng kapatid na si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.   Ang pinagkaka-diskitahan naman ngayon ng batang Wurtzbach ay ang nanay nilang si Gng. Chery Alonzo – Tyndall sa pamamagitan ng Question and Answer mula […]