• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

5 ‘tulak’ nadakma sa buy bust sa Valenzuela, P285K shabu nasamsam

TINATAYANG halos P.3 milyon halaga ng shabu ang nasabat sa limang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos masakote sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

 

 

Sa isinumiteng ulat ni PSSg Ana Liza Antonio kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria, dakong alas-5 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo ng buy bust operation sa Jacinto St. Brgy., Canumay West matapos ang natanggap na impormasyon mula sa kanilang impormante na nagbebenta umano ng shabu si Wilter Abainza, 43 ng Blk 20 lot 3 Northville 2A Canumay West.

 

 

Nang matanggap ni PSSg Luis Alojacin ang pre-arranged signal mula kay PCpl Jocem Dela Rosa na umakto bilang poseur-buyer na hudyat na nakabili na siya ng shabu kay Abainza ay agad siyang lumapit saka inaresto nila ang suspek.

 

 

Nasamsam sa suspek ang tinatayang nasa 25 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P170,000.00, marked money na isang tunay na P500 bill at 14 pirasong P500 boodle money, cellphone at sling bag.

 

 

Nauna rito, alas-3:30 ng madaling araw nang matimbog din ng kabilang team ng SDEU sa pangunguna ni PLT Doddie Aguirre sa buy bust operation sa Bohol St., North Ville 1 Brgy. Bignay sina Mark Dominic Borcelis, 30 at Gigi Borja,47.

 

 

Ani PCpl Pamela Joy Catalla, nakuha sa kanila ang nasa 7 grams ng hinihinalang shabu nasa P47,600.00 ang halaga, P500 buy bust money, P300 cash, coin purse at cellphone.

 

 

Habang tinatayang nasa 10 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P68,000.00, P500 marked money at P500 cash ang nakumpiska kina Jhomar Mendoza, 18 at Reynaldo Lebrino, 43, matapos masakote din ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa San Vicente St. Brgy., Karuhatan dakong alas-5:30 ng madaling araw. (Richard Mesa)

Other News
  • Boxing icon Roberto Duran, nagpositibo sa COVID-19

    Nananatili ngayon sa isang ospital sa Panama ang boxing legend na si Roberto Duran matapos makumpirma na dinapuan ito ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).   Sa Instagram post ng kanyang anak na si Robin, sinabi nitong minor symptoms lamang na katulad ng sipon ang naranasan ng kanyang ama.   Hindi naman daw inilagay sa ventilator […]

  • NCR nasa COVID-19 Alert Level 4 na

    Isinailalim sa CO­VID-19 Alert Level 4 ang buong National Capital Region (NCR), maliban na lamang sa lungsod ng Maynila, dahil sa patuloy na pagtaas ng mga naitatalang bagong kaso ng sakit at hospitalisasyon sa rehiyon.     “All areas except the City of Manila are classified as Alert Level 4. The Delta variant of concern […]

  • Ads September 4, 2023