• April 14, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

5-year plano sa trapik, nilatag ng MMDA at MM Mayors

NILATAG ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), 17 mayors ng Metro Manila at mga ahensya ng national government ang five-year plan sa trapiko upang mabawasan ang pagsisikip ng mga sasakyan sa mga pangunahing lansangan sa kalakhang Maynila.

 

Ayon sa MMDA, ang Comprehensive Traffic Management Plan (CTMP) for Metro Manila ay bibigyan ng pondo mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA) kung saan ilalatag ang mga paraan upang mabigyan ng solusyon ang mga problema sa traffic management na siyang nagiging hadlang sa patuloy na paglago ng ekonomiya ng bansa.

 

“The most urgent of these strategies would be to complete the improvement of 42 traffic bottlenecks the CTMP project had identified and the signal systems,” wika ng MMDA.

 

Ang CTMP ay naglalayon na ipatupad ang mga aksyon na may kinalaman sa improvement ng traffic corridors; enhancement ng intelligent transportation system (ITS); palakasin ang regulasyon sa trapik; pagpapatupad ng road safety; promotion ng aktibong transportation at development ng comprehensive traffic management database.

 

Nererekomenda rin ng CTMP sa bawat lokal na pamahalaan ng Metro Manila ang pagkakaroon ng kani-kanilang CTMP upang makatulong sa pagpapalakas ng transportation network sa bawat rehiyon habang ang MMDA ay pinayuhan na palakasin naman ang planning capacities sa traffic management at ang koordinasyon sa mga related organizations.

 

Ayon kay MMDA acting chairman Romando Artes na ang JICA-funded na CTMP project ay tamang-tama dahil ang Metro Manila ay lumalago dahil sa mga economic activities kung kaya’t nagkakaroon ng pagtaas ng traffic congestion.

 

“As the project ends, the next step is to implement the plan. Continuous coordination, role-sharing, funding, monitoring and evaluation – these are critical matters that must be addressed,” wika ni Artes.

 

Habang ang JICA naman ay susuportahan ang pagsisikap ng pamahalaan na matugunan ang problema sa trapiko sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga traffic management na nararanasan ng Japan lalo na sa pagpapatupad ng ITS kasama na rin ang private-public partnerships.

 

“JICA will support the government’s efforts to address heavy traffic by sharing Japan’s experiences in traffic management, particularly in ITS, and in private-public partnership,” saadni JICA’s Philippine chief representative Takema Sakamoto. LASACMAR.

Other News
  • WHO director Tedros muling nahalal sa puwesto

    MULING nahalal sa bilang director ng World Health Organization (WHO) si Tedros Adhanom Ghebreyesus.     Ito na ang pangalawang termino niya matapos ang procedural vote na siyang magiging solong nominado sa gaganaping leadership election sa Mayo.     Siya ang itinuturing na unang African leader na namuno sa WHO.     Sinabi nito na […]

  • Ads April 29, 2022

  • Blended learning sa maliliit na pribadong paaralan sa NCR, nasa kamay na ng IATF: DepEd exec

    Nasa kamay na ng COVID-19 task force ng pamahalaan ang blended learning sa mga pribadong paaralan sa Metro Manila na may maliliit na populasyon ng mga mag-aaral, ayon sa Department of Education nitong Miyerkoles.   Nang tanungin kung bukas ang DepEd sa pagpayag sa blended learning at ilang face-to-face interactions sa mga naturang paaralan, sinabi […]