50 milyong Pinoy target bakunahan ngayong taon
- Published on March 13, 2021
- by @peoplesbalita
Target ng gobyerno na mabakunahan ang nasa 50 milyong Filipino ngayong taon, ayon kay Secretary Vince Dizon.
Sinabi ni Dizon na upang maisakatuparan ang pagbabakuna sa 50 milyong Pinoy, kailangang maturukan ang nasa 250,000 hanggang 300,000 kada araw.
“We have a goal of inoculating of about 50 million Filipinos this year. To achieve that target we need to, for the remainder of the year, especially when the bulk of the vaccine comes in, give roughly about 250,000 to 300,000 per day,” ani Dizon.
Sinabi rin ni Dizon na inaasahang darating ang maraming bakuna laban sa COVID-19 ngayong taon.
Nauna rito, nagsimula na ang pagbibigay ng bakuna sa mga medical frontliners noong nakaraang linggo matapos dumating sa bansa ang donasyon ng China na gawa ng Sinovac.
Nasa 1.1 milyon doses ng bakuna laban sa COVID-19 ang dumating na sa bansa kung saan 600,000 doses ay gawa ng Sinovac at nasa 500,000 doses ang mula sa AstraZeneca.
Kinumpirma rin ni Dizon sa Laging Handa public briefing na bukod sa 600,000 doses na Sinovac vaccine, mayroon pang parating na 400,000 dagdag na bakuna.
-
Ipinagtanggol ng Choco Mucho si Deanna Wong sa ‘snubbing incident’
CHOCO Mucho management has broken its silence on the alleged snubbing incident involving the Flying Titans towards their fans while on vacation in Boracay. In a social media post on Monday, the management of the popular Premier Volleyball League (PVL) team leapt to the defense of its players who were at the receiving […]
-
American na sex offender, inaresto sa Dumaguete
INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang wanted na American national sa kanilang bansa dahil sa ilang bilang ng sexual offenses. Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, si Christopher John Erickson, 49 ay inaresto sa Dumaguete City, Negros Oriental ng mga operatiba ng bureau’s fugitive search unit (FSU). Dagdag ni FSU Head Bobby Raquepo […]
-
DBM binida baryang wage hike! Kahit 3-in-1 coffee ‘di pasok sa budget
“ANONG umento sa mga kawani ng gobyerno sa 2023 [ang] ipinagmamalaki ng DBM (Department of Budget and Management) gayung ni hindi makabili ng 1 sachet ng 3-in-1 coffee ang barat na umentong binigay ng pamahalaan sa nakaraang apat na taon?” Ito ang patutsada ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) chairperson Vladimer Quetua sa […]