• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

500 pang traditional jeepneys sa 4 na ruta sa NCR makakabiyahe na sa Oct. 30 – LTFRB

DAGDAG pang mahigit 500 mga traditional jeepneys sa apat na ruta sa Metro Manila ang pinayagan na rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) simula sa Biyernes, Oktubre 30.

 

Batay sa Memorandum Circular (MC) 2020-064 nasa 507 na mga traditional public utility jeepneys (TPUJ) routes ang papasada sa mga susunod na ruta:

1. T266 Parang – Recto

2. T267 Parang – Stop & Shop via Aurora Blvd.

3. T268 Recto – SSS Village via Aurora Blvd., Espana Blvd.

4. T3171 Libertad – Pinagbarilan

 

Nagpaalala namana ng LTFRB na maaaring bumiyahe lamang ang mga roadworthy public util- ity vehicles (PUVs) na may valid at existing Certificate of Public Convenience (CPC) o Application for Extension of Validity, at kinakailangang nakarehistro sa Personal Passenger Insurance Policy ang bawat unit sa mga rutang nakapaloob sa MC.

 

Liban nito, kapalit ng special permit (SP) ay mayroong QR Code na ibibigay sa bawat op- erator na dapat ilagay sa short bond paper at ipaskil sa PUV.

 

Aniya mada-download ang QR Code mula sa official website ng LTFRB (https://ltfrb.gov.ph/).

 

Binigyang diin naman ng LTFRB na walang ipatutupad na taas-pasahe sa mga naturang TPUJ, maliban na lang kung ipinag-utos ito ng ahensiya.

 

Samantala, istrikto pa ring ipapatupad ang mga sumusunod na “7 Commandments” sa lahat ng pampublikong transportasyon basi na rin sa rekomendasyon ng mga health experts. Ito ang palaging: 1) Magsuot ng face mask at face shield; 2) Bawal magsalita at makipag-usap sa telepono; 3) Bawal kumain; 4) Laging panatilihin ang maayos at sapat na ventilation sa mga PUV; 5) Laging magsagawa ng disinfection; 6) Bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19 sa pampublikong transportasyon; at 7) Laging sundan ang panuntunan sa physical distanc- ing (“one-seat apart” rule).

 

Nagbanta rin ang LTFRB sa mga TPUJ na sundin ang mga patakaran ng ahensya.

 

Ang sinumang mahuli na lalabag sa mga probisyon ng MC ay papatawan ng kaukulang parusa, tulad ng pagmumulta at pagkatanggal ng kanilang ng CPC o PA.

Other News
  • Gin Kings wapakels sa papansin ni Slaughter

    DINEDMA lang ng kampo ng Barangay Ginebra San Miguel ang papansin ng dating higante nilang manlalarong si Gregory William (Greg) Slaughter.   Oktubre 6 o Martes nang magpaskil ng litrato sa Instagram si Gregzilla na nakabalik na ng Maynila mula sa Estados Unidos ng Amerika.   “It’s good to be back home!” caption niya.   […]

  • Pamamahagi ng ayuda sa NCR sisimulan ngayong linggo

    Maaari nang simulan ngayong linggo ng mga local government units sa Metro Manila ang pamamahagi ng ayuda sa kanilang mga residenteng apektado ng Enhanced  Community Quarantine sa buong National Capital Region (NCR), ayon kay Interior Secretary Eduardo Año.     Ito ay kung tapos na aniya na makapaghanda ang mga LGUs sa mga kakailanganin nila […]

  • Speaker Romualdez, ikinalugod ang pagbagal ng inflation; Kamara, patuloy na magbabantay

    POSITIBO ang pagtanggap ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa naging pagbaba ng inflation rate ng bansa.     Kasabay nito ay muling iginiit ni  Romualdez ang patuloy na pagsuporta ng Kamara sa administrasyong Marcos upang mapalakas ang ekonomiya ng bansa at pagtiyak na abot-kaya ng mga bilihin.     Ayon sa House leader, ang pagbaba […]