• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

51 LONG-TERM PARTNERS KINASAL SA LIBRENG KASALAN BAYAN SA NAVOTAS

UMABOT sa 51 long-term partners ang nagpakasal sa mass wedding na inorganisa ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco na sinaksihan ni Cong. Toby Tiangco, Vice Mayor Tito Sanchez, at mga miyembro ng konseho ng lungsod.

 

 

Ang Kasalang Bayan, na regular na ginagawa sa Araw ng mga Puso at sa anibersaryo ng pagiging lungsod ng Navotas, ay naglalayong gawing legal ang pagsasama ng mga mag-asawa na magkasamang naninirahan.

 

 

“Most of our newlyweds have been together for years and we are honored to help them finally realize their dream of making their union legal and complete,” ani Cong. Tiangco.

 

 

“We hope this ceremony will lead to stronger and healthier relationship between our couples.  Patunayan po ninyo sa lahat na mayroon talagang forever,” dagdag niya.

 

 

Sina Reynaldo Gregorio, 59, at Rosario Avelino, 55, ang pinakamatandang mag-asawa sa mga bagong kasal. 41-taon na silang nagsasama at nabiyayaan ng anim na anak.

 

 

Samantala, tiniyak naman ni Mayor Tiangco sa mga bagong kasal na may mga serbisyo at programa ang pamahalaang lungsod para makatulong sa kanilang pamilya.

 

 

“We give priority to improving the status of Navoteño families. Well-functioning families make strong communities,” ani Mayor John Rey.

 

 

“Importante po ang papel ninyo sa patuloy na pagtaas ng antas ng buhay sa ating lungsod. Nurture your children and guide them into becoming upstanding and productive members of our society,” dagdag niya. (Richard Mesa)

 

Other News
  • HEART, itinanggi na may pinaretoke sa kanyang mukha

    SA Q&A time ni Heart Evangelista sa kanyang IG account, sinagot niya ang tanong na ‘Have you done any plastic surgeries?’   Sagot ni Heart, “Never done anything to my face. My eyes and nose etc. were made by God. I swear. I have nothing against it in fact am for it if ikagaganda mo. […]

  • 8 huli sa aktong sumisinghot ng shabu sa Valenzuela

    ISINELDA ang walong katao, kabilang ang isang bebot matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot umano ng shabu sa magkahiwalay na drug operation sa Valenzuela City.     Sa kanyang report kay Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, sinabi ni investigator-on-case PCpl Glenn De Chavez na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba […]

  • Pagkalat ng ‘mutated’ COVID-19, pinipigil na ng DOH

    Nagsasagawa na ngayon ng aksyon ang Department of Health (DOH) sa Central Visayas para mapigilan  at hindi na kumalat ang natuklasang dalawang ‘mutated’ na COVID-19.     “The DOH recognizes the potential public health implications of these reported mutations in samples from Region 7. The Center for Health Development (CHD) in Central Visayas has initiated […]