• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

51% Pinoy tiwala sa vaccine program ng government – SWS

Marami pa ring mga Filipino ang nagtitiwala sa vaccination program ng gobyerno laban sa COVID-19.

 

 

Lumabas sa survey na isinagawa ng Social Weather Station (SWS) na 51% ang nagsabi na nagtitiwala sa programa ng gobyerno na kinabibila­ngan ng 18 percent ang tinawag na “very confident” habang 34 naman ang medyo kampante.

 

 

Samantala 31% ang hindi tiyak o “uncertain” at 17 percent ang “not confident” o hindi kumpiyansa.

 

 

Isinagawa ang survey mula Abril 28 hanggang Mayo 2 kung saan tinanong ang mga ito kung magpapaturok ba sila ng COVID-19 vaccine sa mga bakuna na aprubado ng Food and Drugs Administration.

 

 

Ikinagalak naman ng Malacañang na tumaas ang confidence ng mga mamamayan at nakakaimplu­wensiya rin ang pagpapabakuna ng mga kakilala at kapitbahay.

 

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na makikita naman ng mga mamamayan ang mga aprubadong bakuna hindi lamang ng Pilipinas kundi maging ng World Health Organization.

 

 

Ikinatuwa rin ng Malacañang na 30% pa ang dapat kumbinsihin kaya balak nilang maglabas ng infomercial.

 

 

Hindi rin aniya susukuan ng gobyerno ang 17% na walang tiwala dahil mahalagang mabakunahan ang lahat ng Pilipino. (Daris Jose)

Other News
  • Ads February 24, 2020

  • COVAX, nangako na papalitan ang mga expired vaccines

    WELCOME kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang naging commitment ng Covid-19 Vaccines Global Access (COVAX) facility na palitan ang 3.6 milyong doses ng bakuna sa bansa na napaso’ na o expired na.     “That’s nice of them to do that. It’s a distinct humanitarian sentiment,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the […]

  • TEXT SCAMS NAILALAGAY SA PANGANIB ANG RIGHT TO PRIVACY NG MGA PILIPINO

    HINDI matutuldukan ng SIM card registration bill ang text scams kundi mailalagay pa umano sa panganib ang right to privacy ng mga Pilipino.     Inihayag ni Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas na isang seryosong banta sa mahinang estado ng data privacy at sa komunikasyon sa Pilipinas ang ratipikasyon ng […]