558 Bulakenyo, tumanggap ng burial at calamity assistance
- Published on February 12, 2021
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS – Umabot sa 258 Bulakenyo ang pinagkalooban ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ng burial assistance habang 300 naman para sa calamity assistance sa ginanap na Pamamahagi ng Tulong Pinansyal Para sa Housing Materials ng mga Nasalanta ng Bagyong Ulysses at Burial Assistance na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito kahapon.
Ayon sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), ang calamity assistance na nagkakahalaga ng P3,000 para sa housing materials ng mga nasalanta ng bagyong Ulysses ay donasyon ng Bagong Henerasyon Partylist sa pangunguna ni Kinatawan Bernadette Herrera-Dy.
Samantala, ang 258 indibidwal na pinagkalooban ng burial assistance na nagkakahalaga ng P2,000 ay kabilang sa 550 benepisyaryo ng trust fund ng probinsya mula sa Regional DSWD.
Bukod dito, pinangunahan din Gob. Daniel R. Fernando sa pamamagitan ni Rowena J. Tiongson, pinuno ng PSWDO, ang pamamahagi sa may 50 benepisyaryo ng medical at assistive devices kabilang ang nebulizer, blood pressure apparatus, glucometer, wheelchair at iba pa na kaloob naman ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan.
Taus-puso namang nagpapasalamat si Fernando sa mga tumulong at patuloy na nagbibigay ng donasyon para sa mga Bulakenyo dahil malaking bagay ito upang maibsan ang kanilang hirap na nararanasan.
“Maraming salamat po sa lahat ng mga kababayan natin na may busilak na puso na hindi nagsasawang tumulong sa ating mga kalalawigan. Tunay po na kapag mas marami ang nagtutulungan, mas marami pong buhay ang ating mababago at mabibigyan ng pagkakataong makapagsimulang muli,” anang gobernador. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Mga atleta sasailalim sa 2 drug test bawat taon
PAPASADO na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikatlo’t huling pagbasa ang panukalang magpapalakas sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (Republic Act 9165) para masugpo ang bawal na gamot sa paggamit. Kumikom ng boto ang House Bill 7814 ng 188 ang pabor, 11 ang mga tumutol at 11 naman ang abstention sa […]
-
DONITA ROSE, corporate chef na sa isang sikat na Filipino supermarket chain
MASAYANG binalita ni Donita Rose na siya na ngayon ang corporate chef para sa sikat na Filipino supermarket chain sa United States na Island Pacific. Sa kanyang Instagram, heto ang post ni Donita: “It’s official! You are now looking @islandpacificmarket’s Corporate R&D Chef. Wait ‘til you see what we’ve been working on together […]
-
Omicron magiging dominant variant sa loob ng 3-4 linggo
Inaasahan na magiging dominanteng variant ng COVID-19 sa Pilipinas ang Omicron variant sa susunod na tatlo o apat na linggo. Ayon kay DOH Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega, nananatiling dominanteng variant pa rin ang Delta ngunit maaaring agad na malagpasan ito ng Omicron dahil sa ulat ng bilis ng ‘incubation’ nito at […]