• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

57 qualifier, salang sa 2020 LGBA COTY

NASA 57 qualifiers ang kakasa sa 2020 Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) Cocker of the Year series na itutuloy sa Pasay City Cockpit ngayong araw (Biyernes) na may 114 na mga sultada.

 

Puntirya ng mga kalahok ang maagang pangunguna sa COTY race gayundin ang kampeonato ng first leg event 7–cock derby na mga hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

 

Pinahayag kahapon (Huwebes) kay LGBA president Nick Crisostomo, nasa P1.6M ang papremyo rito. Nangunguna ang 12 entries na may three points, pito ang may 2.5 pts, 29 ang may 2 pts. at siyam ang may 1.5 markers.

 

May 40-50 entries naman ang inaasahan sa “Jerald’s Cup 4–Cock Derby” ni Jerald Picazo sa PCC sa Marso 6.
Sa PCC din ang pasabong ni Ronald Barandino ng Basilan at solo champion sa National Cockers Alliance (NCA) 6–Cock Derby nitong Martes, na RCB Basilan 4–Cock Derby sa Mar. 13.

 

Makipagtawagan o teks kina Erica at Ace sa 0945 4917 474, 0939 4724 206, 8843 1746 at 8816 6750 para sa iba pang mga impormasyon. (REC)

Other News
  • Pagpapalaya sa 3 suspek sa Dacera rape-slay case bahagi ng due process – PNP

    Bahagi ng due process ang pagpapalaya sa tatlong suspeks sa Dacera rape-slay case. Ito ang binigyang-diin ni PNP Spokesperson BGen. Ildbirandi Usana .     Gayunpaman, siniguro ni Usana magpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP CIDG sa kaso ni Christine Dacera sa kabila ng naging resolusyon ng Makati court na palayain ang mga suspeks dahil sa […]

  • Speaker Romualdez, ikinalugod ang pagbagal ng inflation; Kamara, patuloy na magbabantay

    POSITIBO ang pagtanggap ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa naging pagbaba ng inflation rate ng bansa.     Kasabay nito ay muling iginiit ni  Romualdez ang patuloy na pagsuporta ng Kamara sa administrasyong Marcos upang mapalakas ang ekonomiya ng bansa at pagtiyak na abot-kaya ng mga bilihin.     Ayon sa House leader, ang pagbaba […]

  • Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, naghanda ng vaccination plan para sa mga Bulakenyo

    LUNGSOD NG MALOLOS – Bago ang pagdating ng unang pangkat ng COVID-19 vaccines, ibinahagi ni Gob. Daniel R. Fernando ang pangkalahatang vaccination plan ng Lalawigan ng Bulacan sa isang virtual press briefing sa pamamagitan ng Zoom application sa pangunguna ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, Jr. noong Huwebes.     Sa kanyang presentasyon sa pagpupulong, sinabi ni Fernando na nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan […]