• November 8, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

59 milyong botante nakapagparehistro na

Umabot na sa 59 mil­yong Pinoy sa bansa ang nakapagrehistro o kulang ng dalawang milyon para sa target na 61 milyon botante sa May 9, 2022 national and local elections.

 

 

Umaasa si Commission on Elections (Comelec) Director James Jimenez na maaabot nila ang naturang target kahit may apat na buwan na lamang bago sumapit ang deadline sa itinakda nilang registration period sa Setyembre 30, 2021.

 

 

Sa ngayon ay patuloy ang pagsasagawa nila ng satellite registration upang mas marami pa silang botante na maitala.

 

 

Target din nilang ma­kapagdagdag pa ng mas maraming satellite registration para sa Metro Manila ngunit limitado ito dahil sa istriktong standards na itinatakda nila at ng Inter-Agency Task Force on pandemic response.

 

 

Aniya, ang mga lugar kung saan maglalagay ng satellite registration ay dapat na may zero COVID-19 cases sa nakalipas na 14-araw bago ang itatakdang pagrerehistro doon, kaya’t nahihirapan silang maghanap ng mga lugar na paglalagyan nito.

 

 

Samantala, inianunsiyo na rin ni Jime­nez na ang paghahain ng certificates of candidacy (COC) para sa eleksiyon ay magsisimula matapos ang voter registration period o mula Oktubre 1 hanggang 8.

 

 

Ang campaign period naman ay magsisimula sa Pebrero 8, 2021 para sa national position at Marso 25 para sa local position.

Other News
  • Ads September 29, 2022

  • 487K AstraZeneca vaccines darating sa Pinas

    Darating sa Pilipinas ang 487,200 bakuna mula sa AstraZeneca.     Ito ang inanunsiyo ni Sen. Bong Go na sinabing sasalubungin nila ito (Marso 4, Huwebs) ni Pangulong Rodrigo Duterte dakong alas-7 ng gabi sa Villamor Airbase.     Ang nasabing bakuna ay mula sa COVAX facility.     “This is to confirm that the initial […]

  • 22.9 milyon benepisaryo ang mabibigyan ng ayuda sa ECQ areas

    AABOT lamang sa 22.9 million beneficiaries ang mabibigyan ng ayuda ng pamahalaan sa ilalim ng Expanded Social Amelioration Program (SAP).   Ang mga benepisaryong ito ay nasa lugar ng nasa ng ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa loob ng isang linggo.   Sinabi ni DBM Sec. Wendel Avisado na base ito sa population statistics […]