• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

6 drug suspects arestado sa Valenzuela buy-bust

Timbog ang anim na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang isang misis ang sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

 

Ayon kay Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator PCpl Christopher Quiao, alas-12:40 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Robin Santos sa lilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega ang buy-bust operation sa 2012 Santos Subdivision Gen T. De Leon.

 

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang kanilang target na si Racquel Dela Cruz, 40, matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

 

Kasama ring dinampot ng mga operatiba si Jojit Paredes, 46, company driver, Joselito Karandang, 50, at Rainer Bautista, 47, electrician matapos maaktuhang sumisinghot ng shabu.

 

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 2 gramo ng shabu na nasa P13,600 ang halaga, buy-bust money, P500 bill at ilang drug paraphernalias.

 

Nauna rito, alas-7 ng gabi nang madakma din ng mga operatiba ng kabilang team ng SDEU si John Bernard Adriano alyas Pusa, 25, at Jomar Marquez, 33, sa buy-bust operation sa Urrutia St. Gen. T. De Leon.

 

Ani SDEU investigator PSSg Carlito Nerit Jr., narekober sa mga suspek ang isang gramo ng shabu na nasa P6,800 ang halaga, at P300 buy-bust money. (Richard Mesa)

Other News
  • 1 Peter 3:18

    Christ suffered for sins once for all… to bring you to God.

  • 60 milyong Filipino, makikinabang sa libreng bakuna laban sa COVID

    TINATAYANG aabot sa 60 milyong Filipino ang libreng mabibigyan ng gobyerno ng bakuna  laban  sa COVID -19 sa sandaling dumating na ito sa bansa sa unang quarter ng susunod na taon.   Ayon kay Presidential Spokesperson  Harry Roque, sa kanyang pagkaka- alam ay para sa 60 milyong mga Filipino ang free vaccine na inilalaan ng […]

  • Lambda variant, hindi variant of concern- Sec. Duque

    ITINUTURING ng pamahalaan na variant of interest at hindi variant of concern ang Lambda variant ng Covid 19 na mula naman sa mg bansang Peru at sa Latin America.   Sa press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na bagama’t hindi naman nakakaalarma ang Lambda variant ay mananatili […]