600K na deactivated voters, nagpa-reactivate
- Published on September 20, 2024
- by @peoplesbalita
MAHIGIT 600,000 deactivated voters ang nag-apply para sa reactivation para sa 2025 national at local elections (NLE), ayon sa Commission on Elections (Comelec) nitong Miyerkules.
Sinabi ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco na mula sa 6.4 million applications na natanggap ng komisyon, ang 3.3 milyon nito ang nadagdag na mga bagong botante kung saan 2.6 milyon ang bagong botante at mahigit na 600,000 ang nagpapa-reactivate.
Ayon kay Laudiangco, inaasahan na sa dalawang linggo na nalalabi para sa registration ay mas dadami pa ang mag-apply bilang bagong rehistradong botante at lalong-lalo na ‘yung mga na-deactivate.
Ang deadline para sa online na aplikasyon para sa muling pagsasaaktibo ay pinalawig mula Setyembre 7 hanggang Setyembre 25, 2024.
Ang proseso sa pag-reactivate ay pareho ng iba’t ibang klase ng application. Ang kanilang application ay ipapaskil sa iba’t ibang bahagi ng lungsod, o bayan,” said Laudiangco.
Ang pinakahuling data mula sa poll body ay nagpakita na ang bilang ng mga na-deactivate na botante para sa 2025 May elections ay nasa 5,376,630 noong Setyembre 11.
Ang mga dahilan para sa pag-delist ay ang hindi pagboto sa dalawang magkasunod na naunang regular na halalan, sa pamamagitan ng utos ng hukuman, pagkawala ng pagkamamamayang Pilipino, at pagkakaroon ng mga di-wastong dokumento.
Samantala, inulit ni Laudiangco ang panawagan ng poll body para sa mga deactivated voters na mag-apply para sa reactivation. Maaari silang mag-apply online hangga’t mayroon silang kumpletong biometrics sa lokal na tanggapan ng Comelec kung saan sila nagparehistro. GENE ADSUARA
-
‘Walang ‘foreign’ DNA sa isinagawang vaginal swab test sa bangkay ni Dacera
Muling iginiit ng isa sa 11 abogado ng mga respondent sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera sa isang hotel sa Makati City na walang nangyaring rape sa insidente. Ayon kay Atty. Emmanuel Ramos, ang counsel ng respondent na si John Paul Halili sa Dacera slay case, base raw sa dalawang […]
-
Tinanggap ang offer na makatambal si Richard: MAJA, tuloy-tuloy lang sa ‘Eat Bulaga’ kahit balik-serye na sa ABS-CBN
STARTING this Monday, October 3, GMA Network proudly presents the next important television milestone that will make history and love for the country a fun learning experience via “Maria Clara at Ibarra.” Tatampukan ito nina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose and Kapuso Drama King Dennis Trillo. Among the three lead […]
-
61 maritime school pasaway sa STCW, ipapadlak ng MARINA
NASA 61 mula sa 91 maritime school sa bansa ang nakatakdang ipasara ng Maritime Industry Authority (MARINA) dahil hindi pag-comply sa standards ng International Convention on Standards of Training, Certification and Watch keeping for Seafarers (STCW), na sumasaklaw sa maritime education, training at certification. Ito ang sinabi ni MARINA-OI Administrator Narciso Vingson sa congressional […]