• November 9, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

7 ARESTADO SA DRUG BUY BUST SA VALENZUELA

PITONG hinihinalang sangkot sa illegal na droga kabilang ang dalawang bebot ang arestado sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela city.

 

 

Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief PLT Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Roy Hubilla, 45, welder, Jimmyboy Yumul, 38, Noel Villafranca, 33, Fortfred Bangan, 33, Daniel Quijano, 23, Aireen Macaraeg, 24, at Jheannewhyne Dela Cruz, 22.

 

 

Sa report ni SDEU investigator PSMS Fortunato Candido kay City Chief P/Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-12:40 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Madregalejo ng buy bust operation kontra kay Hubilla sa kanyang bahay sa 130 C. Molina St. Block 4, Brgy., Veinte Reales.

 

 

Kaagad dinamba ng mga operatiba si Hubilla matapos bentahan ng P500 halaga ng droga ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer habang naaktuhan naman ang anim pang mga suspek na sumisinghot umano sa shabu sa loob ng bahay.

 

 

Nasamsam sa mga suspek ang humigi’t-kumulang sa 5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P34,000.00, buy bust money, P1,000 recovered money, 3 cellphones at ilang drug paraphernalias.

 

 

Kasong paglabag sa paglabag sa Sec 5, 11, 12 at 15 under Article II of RA 9165 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga naarestong suspek sa Valenzuela City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Other News
  • Naitalang mga kaso ng cybercrime sa Metro Manila, tumaas sa halos 200% – PNP

    INIULAT ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group na halos nag-triple na ang bilang ng mga kaso ng cybercrime na kanilang naitala sa buong Metro Manila sa unang bahagi ng taong 2023.       Ito ang naitala ng Pambansang Pulisya ilang araw bago ang deadline ng SIM registration sa darating na July 25, 2023.   […]

  • Petecio sisiguro ng bronze medal

    Inaasa­hang magiging inspirasyon kay featherweight Nesthy Petecio ang pagbuhat ni weightlifter Hidilyn Diaz sa kauna-unahang Olympic Games gold medal ng Pilipinas.     Nakatakdang labanan ngayong araw ni Petecio si Yeni Marcela Arias Castaneda ng Colombia sa quarterfinals ng women’s 54-57 kilogram division sa Olympic boxing competitions sa Kokugikan Arena.     Makikipagbasagan ng mukha […]

  • Duterte ‘di tatakbo sa 2022 polls kung matutuloy ang presidential bid ni Mayor Sara – Nograles

    Handa umano si Pangulong Rodrigo Duterte na huwag nang ituloy ang kanyang pagtakbo sa pagka-bise presidente sa halalan sa 2022.     Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles sa isang panayam, ito ang magiging desisyon ni Pangulong Duterte sakali namang ituloy ni Davao City Mayor Sara Duterte ang presidential bid nito.     Ayon kay […]