7 dinala sa hospital dahil sa ammonia leak sa Navotas
- Published on April 7, 2022
- by @peoplesbalita
NASA pitong katao ang isinugod sa hospital habang napilitang lumabas ng kanilang bahay para lumikas ang mga residente sa gitna ng malakas na ulan kasunod ng pagtagas ng ammonia sa planta ng yelo sa Navotas City, Martes ng madaling araw.
Nakatanggap din ng report ang Navotas City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) na isa ang namatay subalit, inaalam pa nila kung may kaugnayan ang pagkamatay nito sa ammonia leak na naganap dakong alas-2:50 ng madaling araw sa Magsimpan Ice Plant sa kahabaan ng M. Naval St., Brgy. NBBS Kaunlaran.
Sa ulat na nakarating sa opisina ni Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging, habang ang mga empleyado ng Magsimpan Ice Plant ay nagtatrabaho sa kani-kanilang lugar nang napansin nila ang isang malakas na amoy ng ammonia na naging dahilan upang agad silang umalis sa company premises at humingi ng tulong sa nagpapatrolyang mga pulis.
Nabulabog naman ang mga residente sa naturang lugar na agad naglabasan ng kanilang bahay habang tinatakpan ang kanilang bibig at ilong upang lumikas.
Mabilis namang rumesponde ang mga tauhan ng Navotas Bureau of Fire Protection (BFP) sa pangunguna ni F/Insp. Pedrito Polo at tatlong BFP fire trucks sa naturang lugar para magsagawa ng imbestigasyon at mapigil ang pagtagas ng ammonia.
Sa ulat ng DRRMO, napigilan ang pagtagas ng ammonia bandang alas-4 ng madaling habang pitong pasyente ang isinugod sa Navotas City Hospital kung saan sila inoobserbahan.
Ipinag-utos din ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pansamantalang pagsususpinde sa operasyon ng Magsimpan Ice Plant upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng empleyado at mga residenteng nakatira malapit sa lugar.
Ayon sa DRRMO, ang Magsimpan Ice Plant ay sampung taon nang operational at sa kabila ng patuloy na safety checks na isinasagawa ng BFP at DRRMO, dalawang beses nang nakapagtala ng ammonia leak ang kumpanya noong nakaraang taon at ang pinakahuli ay nangyari nitong Martes ng madaling araw.
Sinabi ng City Health Office na ang liquid ammonia, na ginagamit bilang regrigerant o coolant para sa paggawa ng purified tube ice, ay mapanganib sa mga taong direktang nalantad sa malalaking konsentrasyon na maaaring magdulot ng mga komplikasyon tulad ng pagkabulag, pagkatuyo ng lalamunan at hirap sa paghinga na maaaring ikamatay. (Richard Mesa)
-
380 Pinoy sa Ukraine, hinikayat na makipag-ugnayan sa Philippine Embassy
HINIKAYAT ng Philippine diplomats sa Warsaw, Poland ang 400 Filipino sa Ukraine na agad na makipag-ugnayan sa embahada para sa anumang hindi kanais-nais na insidente sa kanilang lugar sa gitna ng ulat na napipintong Russian invasion. “The Philippine Embassy in Warsaw closely monitors the situation of the approximately 380 Filipino nationals living in […]
-
Tulong sa mga nasalanta ng baha sa Ifugao, panawagan ng simbahan
NANAWAGAN ng tulong ang Apostolic Vicariate of Bontoc-Lagawe para sa mga pamilya at magsasakang naapektuhan ng baha at pagguho ng lupa sa Banaue. Ayon kay Fr. Apolonio Dulawan, MJ- Social Action Center Director ng Apostolic Vicariate of Bontoc-Lagawe sa kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan na sa maliliit na pamayanan para sa mga pangangailan ng mga […]
-
Philippians 2:10
At the name of Jesus, every knee must bend.