• April 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

7 patay sa wildfire sa West Coast sa US

Nasa pitong katao na ang patay habang ilang libong kabahayan na ang nasira sa nagaganap na wildfire sa West Coast sa US.

 

Tatlo sa mga biktima ay mula sa Northern California habang ang iba naman ay sa Oregon.

 

Nagkukumahog ang 3,000 na bumbero para tuluyang apulahin ang 100 major wildfire sa Oregon.

 

Nagsagawa na rin ng search and rescue team sa Eastern Salem sa Oregon para tuluyang ilikas ang mga residente doon na apektado ng sunog.

 

Mabilis na kumalat ang nasabing sunog dahil sa lakas ng hangin na mayroong bilis na 80 kilometers per hour.

 

Ayon naman kay Oregon Governor Kate Brown na nahaharap sila sa matinding hamon dahil sa maraming mga ari-arian na ang natupok na ng apoy.

Other News
  • Allotment releases sa pondo ng bawat ahensiya ng gobyerno ngayong 2023, mahigit 50%- DBM

    PUMALO na sa  56. 4% na ng kabuuang 2023 national budget ang naipamahagi ng Department of Budget and Management (DBM) sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno.     Sa katunayan, “as of January 31” , mula sa 5. 27 triilion pesos na pambansang pondo ay nasa 2. 97 trilyong piso na ang naipamahagi.     […]

  • MOTOR BINANGGA NG TRUCK, RIDER UTAS, ANGKAS MALUBHA

    Isang 24-anyos na rider ang nasawi habang nasa kritikal naman na kondisyon ang kanyang angkas matapos salpukin ang kanilang sinasakyang motorsiklo ng isang Isuzu Elf truck sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.     Nalagutan ng hininga habang ginagamot sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktimang […]

  • LTFRB, pinalawig ang deadline ng aplikasyon para sa special permit ng mga ibinalik na PUB routes

    PINALAWIG  pa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang deadline para sa pagsusumite ng aplikasyon sa special permit ng mga binuksang ruta.     Sa abiso ng LTFRB, maaari pang mag-apply ng special permit ang mga bus operators hanggang sa katapusan ngayong buwan.     Inihayag din ng ahensya na valid at epektibo […]