7 timbog sa sugal at droga sa Valenzuela
- Published on November 11, 2024
- by @peoplesbalita
PITONG katao, kabilang ang 47-anyos na ginang ang arestado ng pulisya sa magkakahiwalay na anti-illegal gambling operation kung saan apat sa kanila ang nakuhanan ng shabu sa Valenzuela City.
Sa report ni PSSg Pamela Joy Catalla kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, ala-1:30 ng madaling araw nang maaresto ng mga tauhan ng Police Sub-Station (SS7) sina alyas “Ricardo”, 53, alyas “Nestor”, 23 at alyas “Imeld”, 47, matapos matapos maaktuhang naglalaro ng ilegal na sugal na “Tong-its” sa Blk 27 Lot 49, Northville 2, Harv, Brgy., Bignay.
Nasamsam sa kanila ang isang deck ng playing cards at P300 bet money habang ang tatlong plastic sachets ng hinihinalang shabu ay nakuha kay alyas Ricardo.
Dakong alas-5:30 ng umaga nang maaktuhan naman ng mga tauhan ng SS5 sina alyas “Rodito”, 33, at alyas “Jepoy”, 33, na nagsusugal ng ‘cara y cruz’ sa San Diego St., Brgy. Arkong Bato. Nakuha sa kanila ang tatlong piso coins na gamit bilang pangara at P250 bet money habang ang isang plastic sachet ng umano’y shabu ay nasamsam kay ‘Rodito’.
Sa Brgy. Malanday, nadakip naman ng mga tauhan ng SS6 si alyas “Jer” habang nakatakas ang kalaro nito sa sugala na ‘cara y cruz’ sa D. Santiago Street, dakong alas-3:00 ng hapon. Nakumpiska sa kanya ang tatlong piso coins na gamit bilang pangara P300 bet money at isang plastic sachet ng hinihinalang shabu.
Nauna rito, ala-1:30 ng hapon nang maaresto naman ng mga tauhan ng SS9 si alyas “Berto” habang nakatakas ang kanyang kalaro sa sugal na ‘cara y cruz’ sa loob ng Karuhatan Public Cemetery sa Padrigal St., Brgy. Karuhatan. Nakuha sa kanya ang isang plastic sachet ng umano’t shabu, tatlong piso coins na gamit bilang pangara at P300 bet money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 habang karagdagan na kasong paglabag Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kakaharapin ng apat sa kanila. (Richard Mesa)
-
Pacman, nanumpa bilang miyembro Multi-Sector Advisory Board ng ng Ph Army
Pormal nang nanumpa bilang bagong miyembro ng Multi-Sector Advisory Board ng Philippine Army (PA) si Senator Manny Pacquiao. Si Lt Gen. Gilbert Gapay, commanding general ng Philippine Army, ang nanguna sa event kasama sina M/Gen. Reynaldo Aquino, PA Vice commander, at Lt. Col. Roy Onggao, Army Chief Chaplain. Nagbigay ng kanyang mensahe ang […]
-
Taylor Swift, malaya na muling i-record ang limang hit albums
SA December na iluluwal ni Aicelle Santos ang first baby nila ni Mark Zambrano at ang napili nilang name para kay Baby Z ay Zandrine Anne. Ni-reveal nila ito sa naganap na virtual baby shower kamakailan. Pinost ni Aicelle ang highlights ng baby shower sa kanyang Instagram. “Still on a high from […]
-
Total ban sa mapanganib na paputok ipatupad – DILG
UPANG maiwasan ang disgrasya lalo na sa mga kabataan, nanawagan si Interior and Local Government Units (LGUs) na ipatupad ang ‘total ban’ sa lahat ng uri ng mga mapanganib na paputok kaugnay ng pagsalubong sa Kapaskuhan at Bagong Taon sa bansa. Ayon kay Abalos, ang mga LGU ay maaaring magtalaga ng mga pampublikong […]