• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

75% ng global supply ng COVID-19 vaccines, nabili na ng 10 bansa- PDu30

SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na 75% ng global supply ng COVID-19 vaccines ang nabili na ng 10 bansa.

 

“Magkaintindihan na lang tayo na itong problema, atin lahat. How many countries? Ilan pa lang ang mayroon, again 75% nandiyan lang sa sampu, ang iba pati tayo wala,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public address, Miyerkules ng gabi.

 

“Canada nga na kapitbahay ng America, nagdadamutan pa sila. Kino-corner talaga ng America ngayon kasi they have… 332 million (people),” dagdag na pahayag nito.

 

Kaya nga ang payo ng Chief Executive sa publiko ay maghintay at sundin lamang ang mga tagubilin ng pamahalaan.

 

Sa ulat, mahigit 200 million coronavirus vaccine doses na ang na-administer sa 107 bansa at teritoryo ayon sa Agence France-Presse tally.

 

Tinatayang may 45% ng pagbabakuna ang ginawa na sa mga bansang nabibilang sa mayayamang “G7 club” gaya ng Estados Unidos, Canada, Britain, Germany, France, Italy at Japan.

 

Samantala, 92% ng doses sa buong mundo ay ibinigay naman sa mga bansang inuri o ibinukod ng World Bank bilang “high-income” o “upper-middle income”. (Daris Jose)

Other News
  • Netizens, nag-agree at papasa rin daw na magkapatid: KC, hiyang-hiya nang mapagkamalang boyfriend si GABBY

    ISANG compilation video ng bonding moments nila ang ibinahagi ni KC Concepcion sa kanyang Instagram, bilang pagbati sa kanyang daddy na si Gabby Concepcion, na nag-birthday noong November 5.   Caption niya, “It’s November, and that means celebrating the birth month of my sweet, kind, and guapo Papa love!” (smiling with sunglasses emoji) “I thank […]

  • Ads May 29, 2023

  • SUSPEK SA PAGKAMATAY NI DACERA, INIREKOMENDANG SAMPAHAN NG NBI

    INIREREKOMENDA na ng National Bureau of Investigation (NBI)  ang pagsasampa  ng mga kasong criminal  laban sa mga suspek  sa pagkamatay ng flight attendant  na si Christine Dacera.   Inihain ng NBI ang kasong may kinalaman sa illegal drugs, perjury, obstruction of justice, reckless imrpudence resulting to homicide, falsification of official document by a public officer […]