• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

78 EMPLEYADO NG BI, NAHAWAAN NG COVID 19

INIHAYAG ng Bureau of Immigration (BI) na 78 na  sa kanilang  rank and file  na mga empleyado ay nahawaan na ng COVID 19.

 

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente na sa 78 nilang empleyado na nahawaan sa virus, 29 sa kanila ay naka-recover na habang 1 sa kanila ay in-admit sa ospital.

 

Dagdag pa nito na 44 sa mga empleyado na nagpositibo sa virus pero mga asymptomatic  o may mild symptoms ay naka -housed sa isang quarantine facilities habang hinihintay ang kanilang paggaling.

 

“We are still fortunate that none of our workers have succumbed to this virus,” Morente said.

 

Ayon naman kay Dr. Marites Ambray, BI Medical Section Chief, na mayroon 76 sa iba pa nilang empleyado na sumailalim sa isolation at home quarantine matapos naiulat na probable COVID 19 cases dahil sa kanilang exposure sa taong nahawaan ng virus.

 

Sinabi pa ni Ambray na sa 58 sa mga suspected COVID-19 carriers ay maayos na at pinayagan ng magtrabaho habang 18 sa kanila ay naka home quarantine..

 

Dahil sa tumataas na bilang ng kaso ng COVID 19, nag-isyu ng direktiba ang BI Adminsitrative Division ng mandatory na pagsusuot ng face shields, bukod sa face mask  sa lahat ng opsiyal at empleyado na magre-report sa kanilang trabaho at ag sinuman na hindi susunod ay hindi papapasukin sa trabaho. GENE ADSUARA .

Other News
  • PSA target ang 5-M para sa national ID system

    Target ng Philippine Statistics Authority (PSA) na makapagrehistro ng limang milyon mga mahihirap na pamilya para sa huling quarter ng taon para sa implementasyon ng national ID system.   Sinabi ni Claire Dennis Mapa, national statistician at PSA head, na prioridad nila ang mga mahihirap na pamilya para matugunan ang problema ng mga ito ng […]

  • Nagulat din na nagkaroon ng ‘unfollow issue’: JAMES, nilinaw na happy at sila pa rin ni ISSA

    MALINAW na officially, sina James Reid at Issa Pressman pa rin.     At si James mismo ang sumagot sa tanong namin kung happy pa rin sila ni Issa.     Positibo ang sagot ni James at gets din niya agad na kung dahil daw ba do’n sa unfollow issue.     Kuwento ni James, […]

  • Ogie, naluha sa pa-tribute ng asawa: REGINE, napangatawanan talaga ang pagiging rock star

    FABULOUS, bonggang-bonggang naitawid ni Regine Velasquez ang pagiging rakista!     Unang beses pa lang naming narinig na may major concert ang Asia’s Songbird na ‘Regine Rocks’, aminado kami, nag-dalawang-isip kami.     Na, ‘Ha?’     Na, ‘Si Regine, at fifty-three, ay magra-rock and roll sa concert niya? Kaya ba niya?’     Well, […]