• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

8-anyos na batang lalaki tinangay ng agos, nahulog sa creek sa Caloocan

ISANG batang lalaki ang nasawi matapos tangayin ng malakas na agos ng tubig nang aksidenteng mahulog sa Pag-asa creek habang naliligo sa ulan kasama ang dalawang kaibigan, Lunes ng hapon sa Caloocan City.

 

 

 

Sa ulat ni P/Capt. Joniber Blasco, Acting Commander ng Police Sub-Station 13 kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, naliligo sa malakas na buhos ng ulan ang magkakalaro na sina alyas ‘Luis’, 10, alyas ‘Amar’, 13, at biktimang si alyas ‘Jacob’, 8, sa kanilang lugar sa Phase 7-C, Package 7, Lot, 28, Block 51, Brgy. 176, Bagong Silang dakong alas-2:10 ng hapon nang madulas umano ang biktima habang itinutulak nila ang pulang barrier na dahilan upang mahulog ito sa sapa.

 

 

 

Kitang-kita pa umano ng kanyang mga kalaro ang mabilis na pagtangay sa bata ng malakas na agos ng tubig kaya kaagad nila itong ipinaalam sa pamilya ng biktima.

 

 

 

Kumilos naman kaagad sina P/Capt. Blasco at ang Caloocan Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD) upang hanapin ang bata subalit, hanggang sumapit ang gabi ay bigo silang mahanap ang biktima.

 

 

 

Dakong alas-8 na umaga ng Martes nang tuluyang makuha ng mga rescue team ang bangkay ng biktima sa Saog Bridge sa Marilao, Bulacan.

 

 

 

Handa naman umanong tumulong ang lokal na pamahalaan sa mga gastusin sa burol at pagpapalibing sa batang biktima kasabay ng paalala sa mga magulang na bantayang mabuti ang kanilang mga anak sa paglalaro sa mga mapanganib na lugar lalu na kapag malakas ang buhos ng ulan. (Richard Mesa)

Other News
  • 20% diskuwento sa toll fee para sa seniors

    NAISĀ  ng isang mambabatas na palawigin pa ang pribelehiyong ibinibigay sa mga senior citizens sa pamamagitan n pagbibigay ng 20% diskuwento sa pagbabayad sa toll fees na sinisinggil sa expressway at skyway.     Sa House Bill 5277, sinabi ni Quezon City Rep. Marvin Rillo na mabibiyayaan ng 20% na diskuwento ang mga senior citizens […]

  • Chris Paul pinakawalan ng Thunder patungong Suns, kapalit ng 4 players trade

    GINULANTANG ngayon ang mundo ng NBA matapos pakawalan ng Oklahoma City Thunder ang kanilang All-Star guard na si Chris Paul patungong Phoenix Suns.   Kapalit sa pag-trade kay Paul ay apat na mga players. Dahil dito mapupunta na sa Thunder sina Ricky Rubio, Kelly Oubre, Jalen Lecque, Ty Jerome at ang first-round pick sa pagitan […]

  • BINATI ni Mayor John Rey Tiangco

    BINATI ni Mayor John Rey Tiangco ang nasa 40 drug surrenderees na nagkaroon ng pagkakataong magbagong buhay sa pamamagitan ng community-based drug rehabilitation program ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas, ang BIDAHAN. Ang mga kalahok sa BIDAHAN ay sumasailalim sa serye ng counselling sessions sa loob ng anim na buwan, at random drug testing para masiguro […]