8 drug suspects timbog sa buy-bust sa Valenzuela
- Published on February 9, 2021
- by @peoplesbalita
Walong hinihinalang drug personalities kabilang ang isang ginang ang arestado matapos makumpiskahan ng halos P.2 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela city.
Sa report ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Nelson Bondoc, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Robin Santos sa J. Martin St. Brgy. Pasolo.
Kaagad sinunggaban nina PSSg Alvin Olpindo at PSSg Samson Mansibang si Rolando Samonte alyas “Tisoy”, 45, ng Palamores St. Coloong at Michael Santos, 47 ng Santos Comp. Malinta Bukid matapos bentahan ng P5,000 halaga ng shabu si PCpl Ed Shalom Abiertas na nagpanggap na buyer.
Ani SDEU investigator PSSg Ana Liza Antonio, nakuha sa mga suspek ang nasa 20 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P136,000 ang halaga, buy-bust money, P2,750 cash, 2 cellphones, motorsiklo, bisikleta at coin purse.
Nauna rito, dakong 11:30 ng gabi nang madakma din ng kabilang team ng SDEU sa buy-bust operation sa 67 N. De Galicia St., Brgy. Maysan sina Sahlee De Galicia alyas “Boss”, 49, Enrico Pamintuan, 49, Reynaldo Eugenio Jr., 31, Rogelio Camuñas, Jr., 52, Alberto Fermin, 56, at Edgar Lancero, 48.
Ayon kay SDEU investigator PSSg Carlito Nerit Jr., narekober ng mga operatiba sa mga suspek ang nasa 6.5 gramo ng shabu na tinatayang nasa P44,200 ang halaga, P500 buy bust money, P1,500 cash, cellphone at ilang drug paraphernalia.
Kaugnay nito, pinuri ng bagong District Director ng NPD na si P/BGen. Bondoc ang Valenzuela police SDEU dahil sa kanilang matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek at pagkakakumpiska sa halos P.2 milyon halaga ng droga. (Richard Mesa)
-
TUGADE: AYUDA SA MGA TSUPER, ISINUSULONG NG DOTR, LTFRB
Imbes na direktang pagtataas ng pamasahe na makaka-apekto sa higit na nakararaming pasahero, isinusulong ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbibigay ng ayuda sa mga driver ng mga pampublikong sasakyan sa gitna ng pandemya. Ayon kay Transportation Secretary Art Tugade, itinutulak ng DOTr at LTFRB ang […]
-
‘Mix and match’ trial sa COVID-19 vaccines sasalang sa Hunyo
Sisimulan na sa susunod na buwan ang pag-aaral sa ‘mix-and-match’ ng COVID-19 vaccine brands habang ang bansa ay hindi pa nakatatanggap ng matatag na supply ng mga doses. Ayon kay Science and Technology Sec. Fortunato dela Peña, ang mixing and matching trial ay tatagal ng 18-buwan na lalahukan ng 1,200 indibiduwal. […]
-
ICC requests na idadaan sa Interpol, hindi dapat balewalain-Bersamin
HINDI dapat balewalain sakali’t mag-‘request’ ang International Criminal Court (ICC) na arestuhin o ihatid ang taong ‘subject’ sa ICC jurisdiction, kapag idinaan na ito sa Interpol. Ang paliwanag ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa press briefing sa Philippine International Convention Center sa Pasay City, bagaman hindi pa rin nagbabago ang posisyon ng Pilipinas hinggil […]