• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

8 TIMBOG SA DRUG BUY-BUST SA LOOB NG HOTEL

WALONG hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang 18-anyos na dalaga ang nasakote sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa loob ng isang hotel sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

 

Kinilala ni Valenzuela Police Chief Col. Fernando Ortega ang mga naarestong suspek na si Reselino Acaso, 50, Fredie Merin, 39, Cecilia Richard Reyes, 18, Neil Bryan Ella, 33, Remy Jaen Jr., 39, Ronald Paraan, 36, Arnulfo Abareco, 47, at Ricardo Rivas, 25.

 

Narekober sa mga suspek ang aabot sa 20 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na P136,000 ang halaga, buy-bust money, P7,570 bill, 7 cellpones, ilang drug paraphernalias, 5 unit ng motosiklo, bisikleta, at isang kulay green na toyota vios (VL 1018).

 

Sa imbestigasyon ni PSSg  Ana Liza V Antonio, ala-1:30 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Ronald Sanchez sa ilalim ng pangangasiwa ni Col. Ortega ang buy-bust operation sa Room No.  5 Garden Inn, sa Brgy. Paso De Blas, ng lungsod.

 

Kaagad inaresto ang mga suspek matapos bentahan ng isang sachet ng shabu isang pulis na umaktong poseur-buyer kapalit ng P1,000 marked money habang naaktuhan namang nagsa-shabu ang iba sa kanila sa loob ng kuwarto.

 

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Other News
  • “SMILE” ANNOUNCED AS THE OPENING NIGHT FILM AT FANTASTIC FEST 2022

    PARAMOUNT Pictures’ terrifying new horror feature “Smile” is set to make its world premiere as the Opening Night Film at the Fantastic Fest 2022, running from September 22nd – 29th in Austin, Texas. To mark the announcement, Paramount has unveiled the main poster art for Smile. Smile has been described as the intensely creepy debut feature from Parker Finn […]

  • Kelot na nanggahasa sa dalagita, timbog sa Valenzuela

    NAGWAKAS na ang pagtatago ng isang 19-anyos na lalaking wanted sa mabigat na kasong panggagahasa matapos kumagat sa pain ng pulisya nang muling makipagkita sa biktima sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.     Si Mark Jayson Pasamonte, residente ng De Castro Purok 4, Mapulang Lupa, Ugong, Valenzuela City ay nahaharap sa tatlong bilang na […]

  • Speaker Romualdez pinakakasuhan na sa BOC ang mga smuggler

    PINAKAKASUHAN ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa Bureau of Customs (BoC) ang mga rice smuggler, kasama ang kanilang mga kasabwat sa pagpuslit ng libu-libong sako ng bigas na iligal na ipinasok sa mga pantalan sa Mindanao.     Ginawa ni Speaker Romualdez ang apela kasabay ng paghahayag ito ng suporta sa naging desisyon ni […]