• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

80% kaso ng P.3 variant natukoy sa Central Visayas

Mula sa Central Visayas ang malaking bahagi ng COVID-19 P.3 variant na unang natukoy sa Pilipinas.

 

 

“Of the 98 cases that we have detected to be positive for the P.3 variant, I think 80 percent were coming from Region 7,” ayon kay Department of Health-Epidemiology Bureau head Dr. Alethea de Guzman.

 

 

Biniberipika pa ng DOH ang lokasyon ng 20 por­syento ng mga kaso dahil maaaring na-test sa ibang lugar ang mga pasyente ngunit nakatira naman sa ibang rehiyon sa bansa dulot ng mas maluwag na pagkilos ngayon ng mga tao.

 

 

Pinag-aaralan din ng DOH ang epekto ng P.3 va­riant na may N501Y at E484K mutations na matatagpuan rin sa UK, South Africa at Brazil variants.

 

 

Ayon kay De Guzman, ang N501Y mutation ay iniulat na mas nakahahawa habang ang E484K mutation naman ay maaa­ring makaapekto sa bisa ng mga bakuna. (Gene Adsuara)

Other News
  • Inbound, outbound mails delay muna – PHLPost

    BUNSOD ng ng mga kaso ng Corona Virus Disease o COVID-19, maaantala ang lahat ng inbound at outbound mails o mga sulat mula sa iba’t ibang bansa.   Ito ang abiso ng Philippine Postal Corporation o PHLPost sa publiko na naghihintay ng kanilang mga koryo. Partikular na apektado ang mga sulat mula at patungong Mainland […]

  • Happy na part ng isang project for a good cause: DOMINIC, nag-e-excel sa hosting kumpara kay BEA na mas feel ang acting

    AS expected, star-studded ang line up ng guests ng Gabay Guro Grand Gathering which goes on live today, Oct 15, at 1 pm sa Gabay Guro Facebook Page and Youtube Channel.   Hosted by Pops Fernandez, Sam Concepcion, Dominic Roque and Jolina Magdangal, tribute event ito ng PLDT sa ating mga guro, the modern heroes […]

  • Obiena tama ang pagpayag

    MABUTI at sumang-ayon na si 2020+1 Tokyo Olympian men’s pole vaulter Ernest John Obiena sa mediation ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa gusot niya sa Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA).     Ito ang naging tugon niya sa mga senador sa mahigit limang oras na hearing ng Senate Committee on Sports at […]