• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Inbound, outbound mails delay muna – PHLPost

BUNSOD ng ng mga kaso ng Corona Virus Disease o COVID-19, maaantala ang lahat ng inbound at outbound mails o mga sulat mula sa iba’t ibang bansa.

 

Ito ang abiso ng Philippine Postal Corporation o PHLPost sa publiko na naghihintay ng kanilang mga koryo.
Partikular na apektado ang mga sulat mula at patungong Mainland China, Hong Kong at Macau, ayon sa PHLPost
Ang delays ayon pa sa PHLPost ay upang maiwasan ang pagkalat o paglawak pa ng COVID-19.

 

Maliban dito ay suspendido rin ang serbisyo ng gobyerno sa mga apektadong lugar na nakaka-dagdag sa delays sa lahat ng inbound at outbound mails.

 

Humingi na rin ng paumanhin at umaasa naman ang PHLPost sa publiko na maunawaan ang nangyayaring sitwasyon dahil sa naturang virus.

 

Bagamat millenials na ngayon at napapanahon na ang teknolohiya, marami pa rin ang nagapapadala ng sulat at pakete sa pamamagitan PHLPost.

 

Nagpapasalamat naman ang PHLPost sa publiko dahil sa patuloy na pagtingkilik sa tradisyunal na pagpapadala ng mensahe sa kanilang mahal sa buhay kahit pa mayroon nang social media. (Gene Adsuara)

Other News
  • Mga taga-MM na pupunta ng Tagaytay City kailangan pa ring kumuha ng travel pass-Malakanyang

    PINAALALAHANAN ng Malakanyang ang mga residente ng  Metro Manila na kailangan pa rin nilang kumuha ng travel pass mula sa  Philippine National Police kung pupunta ng  Tagaytay City.   Ang Tagaytay City ang itinuturing na top tourist destination sa Cavite province.   Suportado ng Malakanyang ang pahayag ni Joint Task Force COVID Shield commander Police […]

  • Nadagdagan na naman ang list ng international celebrities: HEART, naka-rubbing elbow ang asawa ni JUSTIN na si HAILEY BIEBER

    MAY nadagdag na naman sa listahan ng international celebrities na naka-rubbing elbows o nakilala nang personal ni Heart Evangelista.     Kung sa mga nakaraang global trips ni Heart ay nakilala na niya ang cast ng ‘Emily In Paris’ led by Lily Collins, ang mga Korean celebrities na sina Song Hye-kyo, Yugyeom ng GOT7, Ji Chang-wook, […]

  • Quirino exit ng Skyway 3 binuksan

    Binuksan ng San Miguel Corp. (SMC) ang southbound Quirino exit ng Skyway Stage 3 elevated expressway sa mga motorista para sa Class 1 na sasakyan.     Ayon sa SMC, ang Skyway Stage 3 Quirino southbound exit ay makakatulong sa mga motorista na galing sa Balintawak at Quezon Avenue na makapunta sa Manila sa loob […]