800 PULIS IPAPAKALAT SA UNDAS SA MAYNILA
- Published on October 24, 2023
- by @peoplesbalita
IPAPAKALAT ng Manila Police District (MPD) ang may 800 na kapulisan sa mga sementeryo sa lungsod bilang paghahanda sa Undas 2023.
Ayon kay MPD Chief Police Col. Thomas Ibay, nasa 450 ang kanyang idedeploy sa loob at labas ng Manila North Cemetery habang 350 naman sa Manila South Cemetery.
Dagdag pa ng bagong talagang Direktor ng MPD na maagang ipapakalat sa Sabado ,Okt.28 ang kanilang mga kapulisan.
Ayon pa kay Ibay, bukod sa idineploy na mga pulis sa semeteryo, may mga karagdagang nakalatag ding pwersa ng MPD at NCRPO kaugnay ng BSKE 2023.
Nakakatulong din sa dalawang aktibidad ang iba’ t ibang hanay ng mga force multipliers mula sa pribado at pampubliko.
Habang nakatutok at nakaalerto rin ang mga nag-iikot na bike, mobil, motorcycle, patrol unit ng mpd sa mga pamilihan, pampublikong lugar o pasyalan upang mapanatili ang kaligtasan ng mga Manileño sa lungsod. GENE ADSUARA
-
SIM cards, iparehistro na
SA PAGSiSIMULA ng rehistrasyon ng SIM card, pinaalalahanan ni Camarines Sur Rep. at National Unity Party (NUP) president LRay Villafuerte ang mga cellular phone owners ng tinatayang 150 million Subscriber Identification Module (SIM) cards na iaprehistro ang kanilang numero sa loob ng ibinigay na deadline upang maiwasan ang automatic deactivation ng kanilang SIM numbers. […]
-
P3-B budget, inilaan para sa fuel subsidy ngayong taon- Malakanyang
NAGLAAN ang pamahalaan ng P3 bilyong pisong budget para sa fuel subsidy sa ilalim ng General Appropriations Act of 2022. Ang pahayag na ito ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay matapos na magpatupad ang mga kumpanya ng langis ng panibagong big-time price hike para sa pitong sunod-sunod na linggo […]
-
DOTr sinabing walang basehan ang ulat na aabot sa P50 ang pasahe dahil sa PUV modernization
NILINAW ngayon ng Department of Transportation na walang basehan ang umanoy aabot sa P50 ang pasahe dahil sa PUV modernization program ng gobyerno. Ayon kay Office of Transprotation Cooperatives chairman Jesus Ferdinand Ortega na walang basehan ang palutang na posibleng umabot sa P50 ang pasahe sa modern jeepney. Paliwanag ni Ortega, […]