• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

869 JEEPNEY OPERATORS AT DRIVERS SA VALENZUELA NAKINABANG SA CASH-FOR-WORK-PROGRAM

NASA 869  jeepney operators at mga drivers sa Valenzuela City ang pansamantalang nabigyan ng sampung araw na trabaho sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development Office (DSWD)’s Cash-for-Work Program.

 

Ito’y para matiyak na maibibigay nila ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya sa gitna ng kanilang nasuspindeng operasyon dahil sa pinalawig General Community Quarantine (GCQ).

 

Sa DSWD Administrative Order 15, ang proyekto ay magsisilbi bilang isang “short-term intervention to provide temporary employment to distressed/displaced individuals by participating in or undertaking preparedness, mitigation, relief, rehabilitation or risk reduction projects and activities in their communities or in evacuation centers.”.

 

Ang programa ay maaari ring isagawa bago, habang, o pagkatapos ng pagkakaroon ng isang natural kung saan ang mga kalahok ay babayaran ng cash para sa serbisyong kanilang ibinigay na kanilang magamit sa pagbili ng pangunahing pangangailangan ng kani-kanilang pamilya.

 

Sa loob ng 10 araw na programang pinabilis ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), ang mga miyembro ng pitong Valenzuela City-recognized jeepney operators at drivers associations (JODAs) ay ipinakalat sa kanilang nakatalagang mga barangay para sa gagawing community service.

 

Para sa buong araw na trabaho sa street sweeping at creek at canal declogging, makakanggap ang isang kalahok ng Php 500 o kabuuang Php 5,000 para sa 10-day work assignment.

 

Kasama ang 631 miyembro ng urban poor group at solo parents mula sa lungsod, nakumpleto ng mga miyembro ng JODA ang listahan ngayong taon ng mga beneficiary ng Cash-for-Work. (Richard Mesa)

Other News
  • LALAKI, NAGPANGGAP NA SUNDALO, BUKING

    NABUKING na hindi pala sundalo ang isang lalaki na naunang inaresto dahil sa paglabag sa batas trapiko sa Ermita, Maynila.     Kinilala ang suspek na si Romeo Puyat Jr na taga Pampanga na kuntodo unipormado pa ng sundalo.   Ayon kay P/Lt Col Evangeline Cayaban, hepe ng Ermita Police Station, nasita ang suspek dahil sa […]

  • DILG, pananagutin ang mga alkalde at brgy chairman na malulusutan ng COVID-19 quarantine violations

    PANANAGUTIN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga alkalde at barangay chairman kapag may nangyaring COVID-19 quarantine violations sa ilalim ng kanilang hurisdiksyon.   Sa Talk To The People, Miyerkules ng gabi ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kamakailan lamang ay marami na siyang nakitang quarantine violations na itinuturong […]

  • Pinas, in- update ang ‘Red, Green, Yellow’ list, Covid-19 protocols

    BINAGO at in-update ng Pilipinas ang roster ng “red, yellow, at green” countries/ jurisdictions at maging ang  testing at quarantine protocols para sa pagdating ng mga pasahero.     Ang  red, yellow at green list ay in-update sa nangyaring  pulong ng mga miyembro ng   Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID). […]