• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

869 na paaralan sa bansa, ginagamit na evacuation center

SINABI ng Department of Education na nasa 869 paaralan sa bansa ang ginagamit bilang evacuation center.

 

Ito’y kasunod nang nangyaring kalamidad sa bansa dahil sa bagyong rolly.

 

Sa Laging handa public press briefing ay sinabi ni Education Sec. Leonor Briones na ito ay mula sa 44 na school divisions o katumbas ng 4,367 na mga klasrums.

 

Magkagayunman, umaasa si Briones na magkakaroon talaga ang bawat local govt units ng designated evacuation center upang mailayo sa panganib ang mga mag aaral.

 

Mismong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na aniya ang nagsabi na hindi dapat gawin bilang evacuation center ang mga eskwelahan.

 

Ang punto ng Kalihim ay hindi maaaring paghaluin ang mga evacuees mula sa mga suspected Covid – 19 positive kaya’t dapat magka- hiwalay ng lugar ang mga ito.

 

Kasunod nito, malaking tulong din aniya ang kawalan ng face to face learning upang maminimize ang pinsala ng bagyo lalo na sa mga mag aaral. (Daris Jose)

Other News
  • Holyfield piniling patok si Pacquiao kay McGregor

    LIYAMADO para kay former undisputed cruiserweight at heavyweight world men’s boxing champion Evander Holyfield si eight division world boxing champion Emmanuel Pacquiao sakaling matuloy ang boxing match kay dating two-division Ultimate Fighting Champion (UFC) world titlist Conor Anthony McGregor sa Gitnang Silangan sa kasalukuyang taon.   Gayunman, klinaro nang 58-anyos na sa kasalukuyan, may  6-2 […]

  • 3 kulong sa P340K shabu sa Valenzuela

    NASAMSAM ng mga awtoridad ang mahigit P.3 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa tatlo umanong drug personalities na naaresto sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief PLT Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Jimmy Iligan, 46, construction […]

  • Ads January 13, 2020